Ugly 3

339 11 1
                                    


Liann's PoV

"Tita san ba tayo pupunta?" bulong ko kay tita habang nagddrive siya sabay tingin kay Anghelo na nasa backseat at siguro'y busy na naman sa pagtitig sa picture ng malditang si Megan. Haiyst...

Bakit kaya nagiging t-nga ang isang tao sa pag-ibig? tsk tsk.

"Magsshopping tayo..." sabi ni tita ng nakangiti. mukhang hindi ko gusto ang ngiti niyang yun. Alam ko ang nasa isip ni tita pero hindi pa ako sure na sure. Napatingin ako sa backseat at ang Anghelo ayun siguro'y nagpapantasya ngayon dinaig pa ang babae kung makapagpantasya sa minamahal e...

Ewan ko ba diyan sa taong yan, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaencounter ng ganyang lalaki, na sobrang inlove sa babaeng pinandidirihan siya. Naloloka na nga ako diyan kay Anghelo e, ganon ba talaga kapag inlove halos 24/7 mo siyang iniisip?

"Let's go... let's go!" sabi ni tita atsaka bumaba na ng kotse. Nandito na pala kami sa parking lot ng Mall kaya nagmadali na rin akong sumunod sa kanila... "Oist Liann ano bang gagawin natin dito?" tanong ni Anghelo na akala mo'y takot sa tao at nakasiksik sa tabi ko habang nakahawak sa laylayan ng damit ko... -_-"

Seriously? Ang alam ko hindi naman first time ni Anghelo dito sa mall.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa damit ko at saka siya sinagot... "Mall to di ba? Alangan namang zoo at magtitingin ng iba't-ibang klase ng hayop... Mag-isip ka nga Anghelo, malamang magsshopping. Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Tita kanina? Minsan talaga nagtataka na ko kung paano ka naging matalino e!" sarkastikong sagot ko sa kanya at sinimangutan lang ako... Aba't akala mo siya pa yung babae dito at ako ang lalaki...

*pout "Alam ko namang Mall to e... Hindi ko lang narinig yung sinabi ng tita mo kasi..."

"Kasi pinagpapantasyahan mo na naman yang picture ng malditang si Megan..."

"Hindi ahh..."

"Tigilan mo ko Anghelo, alam ko na yan..."

Sasagot pa sana siya ng bigla kaming awatin ni tita... "Oh tama na yan, baka mamaya kayo pa magkatuluyan..."

"TITA!!!" saway ko sa kanya at tinignan ko siya ng masama... "Bestfriend lang po kami ni Liann... Atsaka may mahal na po ako at malapit na niya akong sagutin... he-he-he..." naningkit nalang ang mata ko sa sinagot ni Anghelo... Wala na ako ibang masabi kundi baliw, BALIW na ang bestfriend ko.. tsk tsk...

"Isukat mo to Liann... At ikaw din Gelo.. Oh heto!" Inabot sa amin ni Tita ang tag-isang pares na damit na parang pang couples shirt... Anong gagawin namin dito? hmpf... "Anghelo po!" rinig kong sagot ni Anghelo pero hindi na siya pinansin ni Tita at pinapasok nalang sa fitting room. Ano kayang binabalak ni Tita? huhu... Clueless it is!

Megan's PoV

Like nakaka... Nakakapagod umupo maghapon here sa school and makinig sa discussion ng aming teacher na uugod-ugod na like yeah... *sigh

"Megan... Bat kaya wala yung dalawang freak?" I sighed and tinignan ng masama si Cuttie... Like duhh~ "Like eww~ bakit mo sa akin tinatanong? Close ba kami? Dapat nga ikaw ang nakakaalam dahil malapit mo na sila maging kamukha..."

"Like yuckkk~ Hindi ah... Mas maganda pa ako don ng 70 percent no." depensa niya at papaluin sana niya ako ng nilakihan ko siya ng mata... try to palo me and I will hampas her my chair... tsk.

"Okey class dismiss!" Hay salamat. Kalerki... How many hours ba ang subject naming Values sa matandang itey at nakakaantok... *Sigh

Ang tahimik ng buhay ko ngayon.. Thank God, wala yung nanggugulo ng araw ko ang tahimik ng buhay ko... Naglalakad ako sa may hallway ng may marinig akong mga nagtsitsismisan.

My Ugly SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon