Chapter 24

3.8K 141 3
                                    

Hello guys!
keep reading
Please vote and comment
thanks ^_^
-------

Bella

Naglakad na ako palabas at nakita ko sila Sam, Snowy,Ryan, Kenneth, Andrei, Zero at iba pa na naguusap.

"Bella! Halika dito laro tayong volleyball!" Sigaw sa akin ni Sam.

"Sam huwag mo nang isali yan dahil takot yan sa bola hahahaha" mapangasar na sabi ni Andrei.

"Tsk! Sam kayo na lang hindi naman ako marunong magvolleyball" sabi ko, hindi ako marunong dahil palagi lang akong nasa bahay nag aaral.

"Ayyy sayang naman" malungkot na sabi ni Snowy.

"Papanoorin ko nalang kayo" nakangiti kong sabi at umupo sa gilid.

"Okay ikaw bahala" sabi ni Sam at kinuha yung bola. "Game"

Nanood lang ako sa kanila ng may naramdaman akong umupo sa gilid ko. Tinignan ko ito.. si Joseph.

"Hello" nakangiti nyang bati.

"Hello din" bati ko rin sakanya at itinoon kala Sam ang paningin ko. Siniserve ni Snowy yung bola ngayon.

"So... gusto mong maglakadlakad?" Tanong nya. Tumingin ako sa kanya at napaisip.

"Hhmmm.. Gus---" hindi natuloy yung sasabihin ko dahil...

"Zero!" Sigaw ni Ryan kaya napatingin ako sakanila. Napatingin si Zero kay Ryan, dahil tinawag sya pero pagtingin sa kanya ni Zero natamaan sya ng bola.

"Ouch!" Daig ni Zero kaya napatayo ako at dali daling pinuntahan sya.

"Sorry Zero. Ikaw kasi hindi mo tinira" mahinang sabi ni Snowy.

"Okay kalang Zero?" Nagaalalang tanong ko. "Saan ka natamaan? Nasaan ang masakit?"

"Ahh d-dito" turo nya sa noo nya.

"Bella masakit daw yung puso nya" sabi ni Ryan tapos tumawa ng malakas kaya hinampas sya ni Zero.

"Huh? Puso? Ashhh! Tara na nga gamutin na natin" sabi ko at inalalayan syang tumayo. Pumunta kami sa lobby, si Snowy naman nanghiram ng first aid sa staff.

Pagkarating nya ginamot ko yung natamaan ni Zero. Buti nalang bukol lang ang pinsala nya at hindi nagkasugat.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Zero. "S-Salamat" ngumiti sya ng kaunti pero alam kong pilit lang iyon, tumayo na sya at naglakad na patungo sa elevator.

Tinanaw ko lang sya hanggang sa sumara na yung elevator na sinasakyan nya. Nagbungong hinga ako alam ko at nararamdaman kong umiiwas sya sa akin na hindi ko malaman ang dahilan.

-----

*KINABUKASAN*

Nagaayos ako ng badiritas ngayon dahil nagprisinta akong tumulong sa gaganapin na Pagent. Hindi lang kasi field trip ang pinunta namin dito, mayroong magaganap na pagent ng mga iba't ibang school ngayon tapos bukas meron kaming snorkling para makita ang lagay ng yamang dagat.

Pretending a Nerd (Completed!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon