Chapter 26

3.7K 114 3
                                    


Bella

*Bell Ringss!*

Inayos ko yung gamit ko bago lumabas ng room para maglunch. As usual nakita kong naghihintay si Zero sa harap ng room namin.

"Let's go" sabi ko at naglakad na papunta sa canteen.

Syempre habang naglalakad kami papunta sa canteen pinagtitinginan kami ng mga nadadaanan naming mga students kaya nailang ako. Nang makarating kami sa canteen sumalubong sa amin ang mapanuring mata ng mga tao doon. Pero hindi ko nalang pinansin para hindi nalang ako mailang.

Umupo kami ni Zero sa bakanteng upuan pero tumayo ulit sya.

"Ahm. Bella dyan ka mun ha? mag ccr lang ako saglit" paalam nya sa akin

"Sige lang" nakangiting sagot ko, nginitian nya muna ako bago umalis. Pinagmasdan ko lang ang likod nya habang naglalakad palabas ng canteen.

Napailing na lang ako.

"Well...Well... Well... Ohh! hulaan nyo guys kung sino ang nandito..." rinig kong sabi ni lalaine hindi malayo sa pwesto ko.

"The haliparot!!!!" sabay na sagot ng dalawa nyang alipores.

"Pinag sabihan ka na namin hindi ka pa lumayo!"nang gigigil na sabi ni lalaine at hinampas ang lamesa sa harap ko ng makalapit sila sa pwesto ko. Lahat ng tao sa canteen ay nakatingin na sa amin dahil sa lakas ng sigaw ni Lalaine.

Anong pinagsasabi nya?

"Ano?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Ohh painosente" patango tangong sabi nya. "Bruha ka! Binalaan na kitang lumayo ka kay Zero hindi ka pa lumayo! Tapos mababalitaan ko nalang ngayon na nililigawan ka nya!?" galit na sabi nya at kinuha ang buhok ko at hinarap ako sa kanya.

nalaman na pala nya...

Isang linggo kase syang absent kaya ngayon nya lang alam siguro sinabi ng mga alipores nya ang balita.

"Una si Andrei tapos si Kenneth ngayon si Zero naman!?Ha!?" sigaw nya sa akin at hingpitan pa nya yung pagkakasabunot sa akin kaya napasigaw ako sa sakit.

"Ahhhh! Ano ba nasasaktan ako!" sigaw ko at pilit na inaalis yung kamay nya sa buhok ko pero lalo nyang hinigpitan. "Ahhh!"

"Aba bagay lang sayo yan!Dahil isa kang malandi!" sigaw nya at malakas na binitawan ang pagkakasabunot sa akin dahilan ng pagkahulog ko sa kinauupuan ko.

"A-aray" daing ko sa pagkahulog ko na nagpasakit sa pwetan ko.

Sakit nun ah. Aba nagtitimpi na ako dito pigilan nyo ako!Pigilan nyo ako!Bilis!

Pretending a Nerd (Completed!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon