Chapter 21

4.1K 140 4
                                    



Bella

Nasa canteen kami ngayon sila Sam and Snowy dahil lunch breack na. Nakwento ko sa kanila yung pagiimbita ng parents ni Zero sa akin. Ang akala kong reaction nila ay seryoso but..

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" -sabay nilang tili. Na hindi ko malaman kung bakit

"Hoy!Huwag nga kayong sumigaw! Nakakabingi!" suway ko sa kanila. Ayaw ko kase sa lahat yung maingay e, nakakairita! "Saka inimbitahan lang nila ako para makilala and makapagpasalamat lang daw sila."

"Akala ko naman ano!" sabi ni Samantha

"Kaya nga!Pero ang swerte mo! makikilala mo na pamlya ni Zero!" sabi naman ni Snowy bago umiinom ng juice

"Anong swerte don aber?" Pagtataray ko.

"Makakasama at makikilala mo lang naman ang magulang ng sikat na gwapo dito sa school no"

"Ewan ko nalang"

"Hello!" bati ng bagong dating na si Andrei kasama si Ryan

" Magandang hapon sa inyo mga bininini, nandito na yung pinakaaaaaa gwapo sa buong mundo!" sabi naman ni Ryan

"Sira! Gwapo mo mukha mo!" sabi ni Andrei saka binatukan si Ryan.

" Ang hangin neto! Kala mo gwapo!" Reklamo ni Snowy.

"Bakit hindi ba ako gwapo sa paningin mo, babe?" tanong ni Ryan kay Snowy.

"Babe mo mukha mo! Saka hindi ka naman gwapo e! ang pangit pangit mo kaya!"

"Tama na yan kain nalag tayo" awat ko baka kase makapikunan na.

Ayun  nga  kumain nalang kami ng Lunch. At nung nagring na yung Bell pumasok na kami sa kanya kanyang classroom. Mabilis lang yung oras natapos agad yung klase namin. umuwi na ko sa bahay , nagpahinga ng ilang minuto then nagayos na ng sarili dahil kanina nag text sa akin si Zero na susunduin nalang daw nya ako sa mansion namin. Wala kaming tutoring ngayon dahil nga pupunta ako sa kanila.

Mayamaya dumating na si Zero at sakto kakatapos ko lang magayos.

"Lets go?" tanong nya, nag nood lang ako at sumakay na sa Ferari nya.

Papunta na kami ni Zero sa bahay nila. Grabe nakakaramdam ako ng kaba pero sa hindi malamang dahilan parang nakakaramdam din ako ng exitment. I don't know why.

Pretending a Nerd (Completed!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon