Chapter 17

4.4K 132 3
                                    

Bella

* After a month (The day of contest ) *

Lumipas ang araw ang ginagawa ko lamang ay ang magreview sa math minsan tinutulungan ako ni Sir. Reyes sa pagrereview, kaya naman minsan napapadali yung pagrereview ko. Minsan tinututor ko rin si Zero kapag tapos nakong magreview. Nakikipagoperate naman sya sa akin kapag natitutor ako sa kanya. Minsan nga nagkwekwento sya tungkol sa kaibigan nya na iniwan daw nung kaibigan nya yung taong mahal nya dahil yun yung hiling. ng mama nung kaibigan nya para magpaopera yung mama ng kaibigan nya. Pero madalas syang nagpapatawa nakakatuwa na nga sya e, hindi na nya ako binubusit, minsan pala hahaha. Minsan nang aasar parin sya.

And now this the day of the contest here at our school. Sabi ni Sir Reyes sa school gaganapin, buti nga dito sa school gaganapin e at hindi sa ibang school. Nandito ako sa garden at naglalast review kasama ko sina Snowy at si Sam.

"Bess galingan mo ahh? kapag hindi ka nanalo kakalbuhin kita" sabi ni Sam

"Ay grabe ka naman kay Bella, Sam. Icheer mo nalang!" sabi naman ni Snowy

"Ok. Go Bella, Go Bella!"-Sam

"Psh! ang ingay nyo!" bulayaw ko kunwari  sa kanila.

"Soooreeee poooo"-Sam

"Hahaha it's ok"-Ako

"Hello girls"sabi ni Andrei na nasa likod ko, kahit hindi ko sya nakikita kung sino sy alam kong sya yan boses palang alam kona hahaha.

"Hello Drei!"salubong ko sa kanya at nagbeso ganon din sila Snowy at si Sam. Si Sam naman nagaalanganin pang magbeso hahaha. Kasama ni Andrei si Kenneth na nginitian ako ng tumungin ako sa kanya.

"Hello Kenneth!"nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hello guys. Good luck sayo mamaya ha?" sabi ni Kenneth at umupo sa tabi ko.

"Sure! Ako pa!?"

"Hahaha ok, sabi mo e"

"Tara guys sa Canteen gutom na ko e" biglang sabi ni Andrei

"Sige, Sige. Basta libre mo hahaha" sabi naman ni Kenneth

"Hahaha Sure!Sige libri ko."nakangiting sabit ni Andrei

"Sabi mo yan Andrei ah?"sabi ko naman.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Canteen. Sila Andrei, Sam at si Snowy ay nangunguna sa paglalakad at kami ni Kenneth ay nasa likod nila.

"Nabalitaan kong ang makakasama mo mamaya ay si Ethan"sabi ni Andrei. Kahapon ko palang nalaman na ang makakasama kong mamaya ay ai Ethan. Kaya pala nakikita ko rin syang nagbabasa sa library.

"Kaya nga e"sagot ko naman.

"Good luck sa inyo hahaha"sabi nya habang tumatawa. Anong nakain nitong pinsan ko at tawa ng tawa.

Pretending a Nerd (Completed!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon