Chapter 5

12.5K 466 30
                                        

"Can I call you Pops?" Tanong sa akin bigla ng batang buhat buhat ni Atarah

"P-po? Pops? W-hy?"

^_^"Moms and Pops!" Masayang sabi Nito. Nalilito na ako sa mga nangyayari. Nag loloading pa yung utak ko. Ayaw pumasok ng mga impormasyong nasasagap ko

"S-sure"

"Little Angel need mo na mag sleep. Gabi na oh. Tomorrow mag play tayo okay?" Sabi ni Atarah sa bata. Ang ganda nila tignan, cutie nilang mag ina.

Nag kiss lang ang bata sa kanya bago umalis.

"Anak mo?" O_O tinatanong ko ba yon!

"Hindi. Anak mo"

"Ha?"

"Hahahahaha ang epic ng muka mo. What do you think?" Tanong niya sa akin pabalik. Ahmm magkamuka sila so baka oo

"Yes? Asan ang ama"

:)"Sister. Come on let's eat" Ha? Ano daw? Sis what?

Kapatid niya lang yon? Wheee napa tingin naman ako sa tinawag niyang mommy kanina. Medyo bata panga ito so baka nga

"So how did you meet? And pano kayo na inlove?" Tanong sa amin ng mammy niya.

Andito kami at kumakain ngayon. 4 lang kami. Kaming dalawa, mom niya tapos kapatid niyang lalaki na hindi namamansin.

Tapos ang sama pa nang tingin nito sa akin. Dapat na ba akong matakot? Papatayin niya kasi ata ako sa tingin eh

"Ahm na love at first sight po ako sa kanya. May isang lalaki na binabastos siya kaya naki alam ako then yun po biglang nangyari na lang" pag explain ko

"Really? Tsk! Pathetic!"

"Wade! Stop!"

"O-okay lang Atarah"

Whooo may galit nga siya sa akin. Unang araw palang nang pag papanggap may problema na agad?

"Don't mind him anak. Kumain ka lang ha and bukas baka madami ng mangyari" Sabi ng Mom niya. Ngumiti na lang ako

Bakit sobrang intense talaga nang paligid? Halos hindi ko malunok itong kinakain ko. Hindi man lang sila nag sasalita.

"Ahm Atarah, matagal ka pa?" Bulong ko. Kailangan ko ata Huminga. Mamamatay ako sa lamesang ito!

"I'm done. Mom una na kami. And ikaw Wade, umayos ka. Wag mong sagarin ang pasensya ko" Napa lunok na lang ako. Nakaka takot siya. Boses palang pamatay na eh. Nakita ko naman ang kapatid niyang napa lunok din. Tumango lang ito

"Ahm una na po kami. It's nice to meet you ulit po. Good night ^_^"

"Good night din Anak"

Halatang ang bait bait ng Mom niya. Hindi maka basag pinggan eh hahahha

Sumunod nalang ako kay Atarah. Ito namang asawa ko ang hirap din basahin. Minsan sweet tapos biglang magiging cold. Hayys San ako lulugar

Pumasok kami sa isang kwarto. Wow ang ganda lang! Kulay brown and white ang theme ng kwarto, tapos sobrang laki din!

"You can do what you want. Mag shower lang ako" Huh?

"S-sandali! Ahm ano" teka pano ko ba sasabihin to? Sa iisang kwarto lang kami matutulog? Tapos isa lang din yung kama!!

"What? Sasabay ka?"

O/////////O

"HA?! Hindi! Ano tatanong ko lang sana kung saan ako matutulog?!" Bakit ba ang hilig nya mang trip! Parang wala lang sa kanya mga sinasabi niya.

Just PRETENDING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon