Chapter 22

9.3K 348 159
                                        

22JP

Flashback

"Hon naman oo pauwi na ko. May kina ilangan lang Ayusin dito sa farm."

Sabi ko sa kabilang linya, andito kasi ako sa Baguio para mag asikaso ng farm namin. Ito lang ang naiwan ng parents ko kaya ayoko itong pabayaan.

"Hon sabi ko naman kasi sayo hindi mo na kailangan mag pagod dyan. I can provide naman for our family eh" Dahil sa Baguio pa ang Farm ay medyo pabalik balik ako dito. Nakikita siguro ni Hon na nahihirapan ako minsan. Sweet talaga ni Hon ^_^

"Hon alam mo namang importante to sakin. Tyaka ayoko namang nakaka rinig ng kung ano sa ibang tao" Hindi naman lingid sa lahat na sobrang layo ng estado namin ni Hon. Yung kinikita ng farm ko sa isang taon kayang kaya niyang kitain ng isang buwan.

Insecurities? Yeah maybe.

"Ok Fine! Mag aaway na naman tayo dahil dyan. Paki bilisan nalang Hon please. Miss ka na namin ni Angel and my surprise ako pag uwi mo"  

^_^"Yes Hon! Paliliparin ko na tong kotse para mayakap ko na kayo ng sobrang higpit! Sige na Hon pa lowbat nadin kasi phone ko. I love you always" masayang sabi ko para dina lumaki ang usapan. Lately kasi mainitin ang ulo ng Hon ko kaya need lagi ng lambing.

"Mag ingat ka Hon. I love you more!! Kisses"

Pag baba ko ng tawag ay agad na akong nagmaneho paalis. Umuulan pala, balak ko pa naman mag drive ng mabilis. Well safety first at may Pamilya akong uuwian ^_^ Sobrang sarap lang sa feeling na may mahal ako sa buhay na nag Hihintay pag uwi ko. Nung una si Clifford lang but now I have a wife and a beautiful daughter. I can't ask for mo--O.O

*beepppbeppppp

What the!

Tao ba yon!! O.o Muntik na akong makasagasa nang kung ano! Agad akong bumaba para tignan kung ano yon. Syete nayan wala pa naman akong payong.

Pag baba ko ay wala namang tao. Ano yon Multo?  May parang White na babae kasi akong nakita. Jusko naman, wala namang takutan! Drama to hindi hor-

"ate"

(゚ロ゚) !" HORROR!!! ANAK KA NG MULTO!! BATA PA PO AKO ATEE IBA NA LANG MULTUHIN NYO! MAY PAMILYA PO AKO. MARAMI PA AKONG PANGARAP SA BUH--ARAY!!"

"ANG OA MO NAMAN ATE! TAO PO AKO!"

Huh?

Isang babaeng naka puti na mahaba ang buhok at basang basa ang bumungad sa akin. Hinawakan ko naman siya para makasigurado. Tao nga

"Bakit ka ba kasi nang gugulat dyan? Okay ka lang ba? Bakit ka naliligo sa ulan? At anong ginagawa mo dito sa gitna ng daan? Pano nalang kung may nangyari sayo, kawawa Pamilya mo!" Sunod sunod na tanong ko. Ang dilim dilim dito eh pano naman siya napadpad here.

Sa dami ng sinabi ko ay hindi manlang siya natinag. Naka tingin lang siya sakin na kala mo talaga si sadako dahil natatakman ng buhok niya yung muka niya.

"Ate? Uy ate gising! Naka tulog ka na ata dyan"

"Ahm ha? Ah wala ano naligaw lang po. Sige na umalis na kana" Sabi nito na pag tapos ay tinalikuran na ako. Aalis na siya?

Hinabol ko naman siya at hinawakan ang kamay para pigilan. Ang bilis niya kasi mag lakad.

"San ka pupunta? Lumalakas lalo yung ulan oh"

"Why do you care!?" Sigaw niya at pilit inalis ang kamay ko sa kanya. Hala siya pa galit

"Eh kasi naman binulabog mo na ako. Alangan namang pabayaan lang kita dito? Sumakay ka na sa kotse ihahatid na kit-"

Just PRETENDING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon