Chapter 16

9.2K 380 90
                                    

"Aray Aray Aray naman Ver! Kung maka hila ka. San ba tayo pupunta?"

"Duon sa dulong dulo nitong ospital. Bilisan mo kasi, alam mo namang ayaw nila ako palabasin ng kwarto"

Hindi ko pa din kasi nakukuha yung singsing ko. At dahil si Winter ang bantay ko ay naka takas ako.

Akalain mo yun napadpad ako sa banda dito eh sobrang layo nito sa room ko.

"Ter yung Ring ko andun oh. Kunin mo bilis" Sabi ko sabay turo sa loob ng room. Sumilip naman siya sa loob

"Oh! Edi kunin mo na. Hindi naman naka lock to. . . Oh see?" O.O at talagang binuksan niya yung pinto at tuloy tuloy na pumasok sa loob.

"Hoy! Di kana nahiya. Hintayin mo ko"

"Arte mo papasok kadin pala, Isara mo yung pinto. Hanapin mo na yung singsing mo"

Agad ko namang Sinilip sa ilalim ng kama ang singsing.

O.O Asan na yun? Hinanap ko pa ng maiigi ang singsing pero wala talaga.

"Wala?"

"Muka bang nahanap ko?"

"Nag tatanong lang eh. Baka nakuha ng nurse. Oh kaya naman itong si Ate na natutulog" Sabi niya na tinuro pa talaga si Ate

Napa tingin naman ako sa kanya. Para lang siyang natutulog pero may naka kabit na kung ano sa kanya. Kahit hindi ko siya makita ng maayos ay masasabi kong maganda siya.

"Oh ano na gagawin natin?"

Ano kaya nangyari sa kanya? Sa itsura niya, baka nasa 20s palang siya. Sayang yung oras na nandito siya.

"Hoy! Ilog!  Ano nganga?"

Tapos parang wala pang bumibisita sa kanya dito. Hindi man lang maayos itong room niya, kaya siguro parang malungkot siya.

"Luhh! Hoy bakit ka umiiyak?"

"Ha?" Hinawakan ko naman ang mata ko. Teka bakit ako umiiyak? Agad ko itong Pinunasan pero patuloy padin ang pag patak ng mga luha ko.

"Wala to, ahm ano tara na. Tyambahan nalang natin na may nurse para mag tanong"

"Ikaw bahala. Tara na" 

Napa tingin ulit ako kay Ate.

"Ahm Winter"

"What?"

"Pa order ng flowers, yung maganda ha"

"Huh? Ano gagwin mo don? Bibigay mo kay Atarah? Naks naman, todo effort sa pang liligaw ah" Sabi nito na siniko pa ako kaya naman medyo natumba tuloy ako kay Ate

"Luh! Maka tulak ka naman. Pag nagising lang si Ate talaga" inayos ko nalang ulit ang nagulo ko. Nilagay ko ang kamay niya sa ilalim ng kumot. Ang init ng mga kamay niya

"Edi maganda baliw. Coma ata siya eh. So Anong flowers ba? Bouquet with teddy bears ba?"

"Pang lagay lang sa Vase na yon oh" Sabi ko sabay turo don sa Vase na may lantang flowers.

"Ay! Para sa ibang babae? Nako nako nako"

"Sira! Si Hon lang noh. Gusto ko lng naman bigyan ng flowers itong si Ate eh. Tara na nga baka dumating na si Hon" Ewan pero parang may kakaiba talaga sa akin ngayon.

Nag lakad na ako pa alis pero yung isa di pa pala sumunod.

"Oh tara na"

"Ha? Ah sige. Parang gumalaw lang kasi yung kamay ni Ate. Pero Baka namalikmata lang ako" Sabi niya at sumunod na sa akin, bisita nalang ulit ako dito. Ewan pero gusto ko siya ma meet.

Just PRETENDING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon