Chapter 10

9.4K 401 38
                                    

"Hey Hon? Are you okay?"

"O-okay lang Hon. Masakit lang ulo ko. Tara na hatid na kita, ako na mag dri--"

"Ako na! Masakit ulo mo diba? And hindi mo na ako kailangang ihatid" pag pigil niya sa akin. Bakit ba ayaw niya akong mag Drive? Certified Driver kaya ako.

inihatid ko nalang siya sa labas, gusto ko sana sumama para ma meet din mga kaibigan nya.

"Mag ingat ha. Baka mamaya sa presinto ko na kayo makita nyan" pinag buksan ko na siya ng pinto. Gentlewoman ko diba XD

"Opo Hon. Tyaka normal na samin yon, doon kami nagka kila kilala eh"

Ex convict pala mga to. Di na kagulat gulat. Kinidnap nga nila ako diba

Niyakap at hinalikan ko nalang ang ulo niya. Ma mi miss ko siya today.

"Hon ang drama mo. Para naman akong mag a-abroad nyan " Sabi niya na yumakap na din sa akin

"Hon, magpa Dala ka ng package ha. Kahit mga desusing delata lang at mga sabon. Ako na ang bahala sa mga bata" Sabi ko pa, natawa naman siya at kinurot pa ako ng mahina bago bumitaw sa yakap ko

"Sige na alis na po ako, Bye Hon" hinalikan pa niya ako ng mabilis bago sumakay ng kotse.

"Bye Hon, I love you Hon!" Ngumiti lang siya sakin at, nag maneho na umalis.

Hindi naman ako umaasa na mag a I love you too din siya sakin. Sanay na ata ako hahahaha.

Pumasok na lang ako sa loob para puntahan si Angel. Wala silang pasok ngayon kaya may kalaro ako.

"Pops! Look oh I want that!!" Bungad niya sa akin pag pasok ko ng room niya.

Tinuturo niya ang isang malaking Teddy bear sa TV

"You like it? Okay pag dating ni Mom mo Bibilin natin yan ok--"

"I want it now please? Baka kasi maubos po eh. Let's go to mall please Pops?"

"But Baby baka magalit si Mom mo pati na rin si real Mommy mo"

"B-ut. O-okay po"

Ahhh bakit ang cute cute ng batang to! ! Para siyang little version in Atarah. Magka muka talaga sila eh.

Yung mata niya pa iyak na.

"Okay! Pero saglit lang tayo. Bibili lang tayo nyang teddy bears then uwi na tayo okay?"

"Yehey! ! Okay po Pops!" masaya naman siyang nag tatatalon.

Parang si Atarah din talaga siya, Hindi ko matiis. Basta nag Puppy eyes na silang dalawa, talo na ako.

.

.

.

"Pops!! Look oh, ang laki laki nya po!!"

"Baby dahan dahan baka madapa ka!!" Tuwang tuwa kasi siyang tumatakbo papunta sa teddy bear na kasing laki ng tao. 

"Good Morning Ma'am. Sorry po nabili na kasi to"

"Really? But I want it po" nako naman! Kapag minamalas nga naman oh. Pa iyak na ulit siya

"Ahm wala na po ba kayong extra? " Tanong ko.

"Sorry po last na kasi to eh"

"Kelan po kaya mag kakaroon ulit"

"Sorry po. Limited edition po kasi ang ganitong design so last na po talaga to"

Ayun lang. Yumakap nalang bigla sa akin ang bata, umiiyak na siya.

"Ahm baby don't cry na. Hahanap nalang tayo ng mas maganda dito"

Just PRETENDING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon