27JP
"D-divorce? Hon please" Hindi ako maka tingin sa kanya dahil napako ang aking mga mata sa papel na hawak ko.
"I told you I can't be with you"
"But Hon, willing naman akong lumayo muna or humiwalay sa inyo ni Angel. But i will still pursue yon hanggang mapatawad mo ako. Ito nalang ang pinang hahawakan ko Hon" I said while looking at her
"I cant let go kung alam kong may isang bagay pang nagdudugtong sa atin. I want to be free"
"Hon pl-"
"Hindi ko naman Ipag kakait sayo si Angel. She still needs you. Kapag may problema or kailangan ko ng tulong then I'll call you. Panindigan na natin yung sinabi mo sakin na "I'm using you". I'm also planning na mag ibang bansa para mapa gamot si Angel and I don't want you in it. It's the best for her"
Unti unti kong iniintindi lahat ng sinasabi niya sa akin. At kahit Anong pag translate ko, isa lang ang Ibig sabihin non. She's giving up on me.
River will absolutely sign it because that's what my Hon wants but
"Hindi ako pipirma" I said straight looking at her. Okay lang na magalit siya ulit sakin, basta hinding hindi ako makikipag hiwalay sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti at tumawa ng kaunti.
"Don't get me wrong. I'm not doing this to test you. Hindi ko sinusuban kung kaya mo ba ulit akong pakawalan. Kung this time kaya mo na ba akong Ipaglaban. I want It so please let me go"
Ngumiti din naman ako sa kanya
"I won't. For the first time Ipag lalaban ko yung gusto ko. And that's you and Angel. I'll be selfish for now Hon"
Ilang segundo din kaming natahimik. Naka tingin lang kami sa mata ng isat isa. Tanging papel na unti unting nalulukot ang namumutawi sa paligid.
"I'll give you another tomorrow" Sabi niya bago tumayo at mag tungo sa tabi ni Angel.
"And By the way. I think kailangan niyo muna mag usap ni Hazel"
Hazel. Yeah I still need to talk to her. Yung isang taong nasaktan ko ng dahil sa isang katangahan.
"I'll talk to her" tanging Nasabi ko nalang.
"I just said I'll forgive you soon, not be with you soon"
And it hits me. I should accept the consequences but it hurts.
Forgive and Forget
Dalawang salitang bagay sa isat isa. Why?
Hindi ako naka tulog buong mag damag. Isang papel lang gumagambala sa akin. :) hawak ko pa pala ito.
Halos mapunit na din siya sa Pagkaka lukot ko. Parang ang papel na to ang tiwala ng isang tao, once na magka lukot lukot, hindi mo na ulit maiBabalik pa kung gaano ito ka ayos nung una.
Pinag masdan ko muna ang dalawang taong mahalaga sa akin. Tama sila, ano nga bang katangahan at kabobohan ang pumasok sa akin para saktan sila? Napaka swerte ko na at binigay sila sa akin pero anong ginawa ko? Sinayang ko lahat,
"I won't give up Hon" Hinalikan ko muna silang dalawa bago umalis.
Habang nag lalakad ako pa tungo sa room ni Hazel ay wala akong ibang ma isip na sasabihin sa kanya. All I want is to protect her pero ako pa pala itong mag papahamak sa kanya.
Tahimik lang akong pumasok sa kwarto niya. Siya agad ang bumungad sa akin, naka sandal ito sa headboard ng kama habang naka tingin sa labas.
"H-hi Ms Ghost" Agad naman siyang napa lingon sa akin at binigyan ako ng isang sincere na ngiti.

BINABASA MO ANG
Just PRETENDING
Romance"Someone said to me that It's hard to pretend you love someone when you don't. But its harder to pretend you don't love someone when you really do." "Then stop Pretending. Because right now I don't know what's real anymore" . . Yung feeling na gus...