Chapter 9

10.5K 417 83
                                    

"I'll count to three, kiss me and you're mine"

:)"How about you kiss me? Kiss Me and you're mine. Because I'm always been yours"

Naka tingin lang kami sa mga mata ng isat isa. Sobrang ganda ng mga mata niya, nalulunod na naman ako.

"Lagi kitang hinahalikan. Sa mga kisses natin ako ang unang humahalik. Is it that enough?"

Oo nga. Hindi ko siya hinahalikan sa lips dahil takot ako. Takot ako sa magiging reaksyon niya.

"One"

Pero after nito ano na? Ano na mangyayari samin? Pano na yung ka date niya nung naka raang araw?

"Akin kalang ba?" Tanong ko

:)"What do you think?"

"No? I saw you kissing him. Mukang okay naman kayo, bakit hindi nalang siya ang pinakasalan mo?"

"Sana nga siya nalang. Kung pwede, siya nalang" parang may tumusok naman sa puso ko. Bakit nga ba hindi nalang siya?

"So I can be yours but you can't be mine"

Sabi ko na napa ngiti nalang. Umiiyak nadin pala ako.

"How does it feel? Masakit ba?"

^_^"Yeah. Sobra" Hindi ko alam kung saan nang gagaling itong ngiti ko

"Yeah? Naramdaman ko din yan dati"

Napa tigil naman ako sa sinabi niya. Nasaktan nadin siya?

"Who hurt you?"

"Ang pinaka kina mumuhian kong tao sa Mundo. Don't worry wala na siya"

"Kung sino man siya sana Malasin at masaktan din siya. Bakit mo naman hinayaang saktan ka niya?"

So totoo nga na Sinaktan na siya noon. Kaya pala ang protective ni Wade sa kanya.

Naka ngiti lang siya sakin. Isang unan lang ang pagitan naming dalawa. Gusto kong tawirin na ang space na to at halikan siya.

"Kasi mahal ko at tanga ako" 

"Ang swerte niya. Yung taong pinapangarap ko, mahal siya"

Mas gugustuhin ko nalang ata na makipag laban sa lalaking ka date nya kaysa sa past na to.

Mahirap makipag kompitensya sa taong hindi mo naman kilala.

"Two"

Huh? She's still counting

"Sabi ko na diba, sayo lang ako. Wala namang aagaw sak--"

"If you want to make this work then kiss me" Sabi nito bago ako talikuran, nag kumot na din ito.

Eto naka tingin na naman ako sa likod niya.

"Pano na si Guy?"

"We're not together. Yung nakita mo wala lang yon. I don't love him"

Wala lang

Ang daling sabihin. Mga Ilan pa kaya yung Wala lang?

Lumapit ako at niyakap siya.

"I love you Atarah" bulong ko sa kanya

"I know"

"Pano kita hahalikan kung naka talikod ka sakin?"

"Gumawa ka ng paraan. Ano ako pa mag aadjust?" Oo nga pala. Siya ang Trainer.

Hindi ko alam kung ano ang mababago after nito. Pero wala na akong paki alam don.

Just PRETENDING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon