26JP
River POV
"It's not love, it's pity"
May mas gaga** pa ba ba sakin? Hindi lang si Hon ang nasaktan ko. Nasaktan ko din siya. Ang akala ko napapasaya ko siya, Hindi ko alam sa bawat pag pag papakita ko ng pag mamahal ay nakaka sakit na sa kanya.
Friend?
Lover?
Mistress?
I don't know. Kahit sarili kong nararamdaman hindi ko na alam. Ang alam ko lang gusto ko siyang protektahan.
Hindi na ako nakinig sa ibang usapan nila at umalis nalang muna. Bumalik ako sa room ni Angel, mag tatanghali na din pala. Ilang araw na ba akong gising? Hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng nangyayari.
"W-wade. Ahm Pwede ko ba siyang Bantayan?" Tanong ko, Hindi naman siya nag salita kaya naupo na lang ako malapit sa anak ko.
Anak ko? Yeah of course she's my daughter.
Mahimbing padin siyang natutulog. Hinawakan ko ang kamay niya. I'm so sorry my little Angel, nang dahil sakin nahihirapan ka.
"I'm disappointed. Anong nangyari sa idol ko?" Of course he is.
"I don't know. Naligaw?" Natawa naman siya.
"Hindi ka kasi nag Iingat. The moment na nalaman kong critical ang kondisyon mo, sobrang nag alala ko at hindi alam ang gagawin. But the moment na malaman ko kung anong ginawa mo sa ate ko? Sinumpa kita"
"I'm sor--"
"Ikaw itong laging nagsasabi sakin na protektahan ang mga taong mahal ko. Wag manakit ng kapwa. Na wag susuko sa hamon ng buhay. At higit sa lahat wag gagawa ng kahit Anong ikasisira ng Pamilya. Anong ginawa mo!?"
Mahal na mahal niya ang Pamilya niya, lalo na ang ate niya. Tanda ko pa noon, sobrang hirap I earn ng tiwala niya. Ayaw nya din sakin noon pero hindi ako sumuko. Bata pa siya noon but now? He's a grown man.
"Hindi ko alam. Nagkamali ako, I'm really sorry" Oo para na talga akong sirang plaka. Nahihiya ako sa mga ginawa ko. Ano bang pwedeng sabihin Bukod sa I'm sorry?
Tumayo na ito sa kina tatayuan at nag tungo sa pinto. He's disappointed
"Lagi ka namang walang alam eh. At lagi ka nalang nag so sorry. Kelan mo ba pinag tanggol ang sarili mo? Kelan ka ba lumaban? For once, Ipaglaban mo naman yang gusto mo at yang sarili mo. You're so weak"
Sabi niya bago tuluyang umalis. For once? How? Pano ko pa Ipag lalaban yung gusto ko kung ano na mismo ang Sumira kung ano ang gusto ko.
"P-pops? Are you crying? " agad ko namang Pinunasan ang luha ko at pilit na ngumiti
"No po. Napuwing lang si Pops. How are you? May masakit ba? Nagugutom ka ba, anong gusto mong kainin? Sabihin mo kay Pops kung anong gusto mo"
Ngumiti lang siya at Pinunasan ang mga luha kong pilit pading pumapatak.
"I just want to be with mom and Pops. Wag na kayo aaway please. Wag na din po kayo malungkot" Anong ginawa ko para biyayaan ng ganito ka sweet na anak. Anong ginawa ko bakit ko hinayaang mauwi sa ganito ang lahat?
Niyakap ko ang anak ko.
"I'm not gonna leave you again. Kayo ng Mom mo. Gagawin ko ang lahat para maging buo ulit tayo. Babawi ako anak"
For once gusto ko lumaban. Hindi ako susuko kahit Ipag tabuyan nila akong lahat. Ipaglalaban ko kung anong gusto ko. At yun ay ang Pamilya ko.
Binantayan ko lang ang anak ko sa araw na yon. Nag laro kami maghapon. At eto nga gabi na pero gising pa si Angel, ayaw niya matulog dahil baka daw pag gising niya ay wala na ako
BINABASA MO ANG
Just PRETENDING
Romance"Someone said to me that It's hard to pretend you love someone when you don't. But its harder to pretend you don't love someone when you really do." "Then stop Pretending. Because right now I don't know what's real anymore" . . Yung feeling na gus...