Chapter 18

8.1K 384 50
                                    


"Happy birthday My little Angel!!"

"POPS!! Thank you po!! I'm so happy nandito ka na sa Birthday ko. Thank you so much Pops! Don't leave us po ah" agad niya akong niyakap ng makita ako. Sobrang sweet  talaga ng batang to.

Simple lang ang party niya, mga malalapit na kaibigan lang ng family nila. Ang dami ding mga bata. We bear bears ang theme ng party since mahilig siya sa mga bears, kaya eto naka pang bears na costume din ako. Partner kami ni Hon hehehe

"Are you happy baby ko?" Tanong ni Hon

"Super Happy po Mom! Ngayon nalang po ulit ako naging  super happy sa Birthday ko. Andito na kasi si Pops eh^_^" Minsan napapansin ko na sa mga sinasabi niya parang magkasama na kami noon pa at umalis lang ako.

Hmm baka guniguni ko lang hahahaha ngayon ko lang naman sila na kasama eh.

"I'm super happy din na happy ka. Look tinatawag ka na ng mga kalaro mo"

"Okay po. I love you Mom and Pops " humalik muna siya sa amin bago masayang umalis papunta sa mga kalaro.

"Minsan naiisip ko na ikaw ang totoong mom niya hahahaha"

"Sabi din nila. Pa hug nga" o.o Nagulat nalang ako ng yakapin niya ako bigla. Ako kasi ang laging nanlalambing sa kanya eh.

"May sakit ata ang Hon ko at niyakap ako ah" Yumakap nalang din ako

"Masama bang yakapin ang asawa ko? Ayaw mo ata eh sige wa--"

"Joke lang Hon! Eto na yakapin mo lang ako, gusto mo kiss na din eh" aarte pa ba ko? Si Hon na to oh, samantalahin ang pag kakataon.

"Thank you"

"For what? "

"For being here. For making my little Angel Happy" maliit na bagay hahahaha

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siya ng mabilis.

^_^"Thank you din for making me happy. I love you Hon" Hindi ko na hinintay na sabihin pa niya ang I love you too, Nasanay na din ako na ako lang ang nag i i love yo--

"I love you too"

O.o Nabingi ata ako

"Ano yon Hon? Parang Nabingi ata ako"

"Wala, ang bingi mo talaga hahahahah" nag smack pa siya ng kiss sakin bago tumakbo papunta kay Angel

"Hon narinig ko yon!! Sabi mo I love you too!! I love you so much din!!!!"

She love me! Mahal ako ng Hon ko!!

Wala na atang mas sasaya pa sa akin ^_^

Naki gulo at Saya nadin ako sa kanila. Wow parang nung naka raan lang lagi siya saking galit tapos ngayon love na niya ako. Gusto ko tong I kwento kay Haz--el

Yup si Hazel. 2 weeks na nung huling nabisita ko siya.  Gusto ko siyang puntahan pero sabi niya hindi na daw kailangan. Hays ah ewan hahahaha ang importante nag I love you sakin ang Hon ko!!

"Hey Winter nakita mo ba asawa ko?" Nandito din pala itong si Taglamig, parang bata lang na nawawala.

"Hindi eh, Ikaw nakita mo din ba asawa ko?"

"Hindi din. Asan naman kaya mga asawa natin?"

"Ewan ko nga. Tara hanapin nalang natin asawa ko at asawa mo" Hindi naman kami mapang angkin sa mga asawa namin, Hindi po talaga.

Nag libot libot kami sa buong mansion, sobrang laki naman kasi nitong mansion nila  Hon, maliligaw ka takaga.

"Kelan mo sasabihin sa kanya ang totoo? At ano mag papaka tanga kana naman? Atarah naman, niloko ka nung tao " Huh??

Just PRETENDING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon