"Sandali lang! Baka pwede namang ipakita nyo muna sakin kung sino pa kakasalan ko" Nandito na kami ngayon sa isang kwarto. May konting mga upuan at decorasyon. May petals na red sa sahig, red na kandila at may mga ribbon na red sa upuan. Katakot ang kulay parang dugo
"Aba! Bakit? Ano akala mo sa lahi ko? Diyosa ang pinsan ko noh just like me. Mag relax ka lang muna diyan. Malapit na mag simula"
Malapit na mag simula sa lagay na to? Eh konti lang naman ang tao. Manga 10? Tapos ay may nakita pa akong nag vi-video. Yung mag kakasal naman wala pa din.
Pero bakit ko ba iniisip pa ito. Eh ikakasal ako ngayon sa taong hindi ko naman kilala! Asan na yung sinasabi kong ang babaeng mahal ko lang ang pakakasalan ko. Pero ang hindi ko maintindihan ay may part sa akin na nag sasabing ituloy ko lang itong kasal. Bakit?
"Wow talaga. Hindi na Masama, may itsura ka din talaga noh. Kaya Bagay kayo ng wife mo eh" Sabi sa akin ni Hunter habang inaayos ang buhok ko.
Wife daw eh di panga kami kasal
At Balak pa nilang gupitin ang maganda kong buhok kaya nag pumilit akong ako na lang ang mag aayos. Wala naman akong ginawa, tinali ko lang dahil maganda talaga ang long hair ko, gulo gulo nga lang pero maayos pa din tignan
Sa suot ko naman, ahm ano ba to? Kahit hindi ako nakapag tapos nag pag aaral ay sabi ko nga matalino ako kaya. . . . . May suot akong . . .damit XD
"Buttoned up white shirt with red bow tie, a black blazer and black pantsuit. Not bad, galing talaga ng wife ko, nag muka kang model" Ayun nga, yun ang suot ko. Si Stella kasi ang namili ng susuotin ko. Balita ko nga ay model ito, sikat nga daw sabi ng asawa niyang si Hunter. Pero di ko siya kilala. Sa amin kasi wala namang masyadong TV at Internet.
Pero asan na ba sila?
Maya maya lang ay may dumating nang lalaki, sa tingin ko ay ito ang mag kakasal sa amin. Pina ayos naman na nila ako.
Maya maya lang may narinig akong music, piano lang ito pero ang sarap sa tenga. Napa tingin naman ako sa pinto ng bumukas ito at nag simulang mag lakad si Stella, naka white dress ito at may hawak na Isang red Rose. Sa likod nito ay kasunod si Zhafire, naka blue dress naman ito at may red Rose ding Dala. Tapos may isang babae pa na naka Pink tapos Rose ulit. At yung huli ay naka color gray na dress.
"Kaloka until now sinusunod parin nila ang color nila" rinig kong sabi ni Hunter
Pero Huminto ata ang puso ko ng makita ko ang isang babaeng naka Red sa Likod nito.
Bloody Red
Yun ang kulay niya, red dress, red lipstick, red nail polish, and red Rose na hawak nito. Ano ba tawag don? Bocake? Bokit? Ahh Bouquet!
Baka nga pati heels nito ay red din.
May red na kung ano din sa buhok nito na kulay brown. Messy Bun. Yun ata tawag sa ayos ng buhok niya.
Dahan dahan itong nag lalakad papunta sa akin, sa ibaba lang ito naka tingin kaya hindi pa niya ako nakikita. Ano kaya magiging reaksyon niya? Tatakbo?
Gusto ko siyang tumingin sa akin para makita ko ng Malinaw ang muka niya, parang familiar kasi eh.
Nang nasa gitna na siya, at sawakas dahan dahan niyang ini angat ang ulo nito.
O_O Ako
Panaginip ba ito? Siya si Ate Ganda! Pa kaka salan ko siya?
Hindi na ako nagulat ng Huminto ito sa pag lalakad. Sino ba kasing hindi ma gugulat kung biglang babae na ang pakakasalan mo. Pero na kita kong para na siyang iiyak. Bakit? Baka na disappoint?
BINABASA MO ANG
Just PRETENDING
Romance"Someone said to me that It's hard to pretend you love someone when you don't. But its harder to pretend you don't love someone when you really do." "Then stop Pretending. Because right now I don't know what's real anymore" . . Yung feeling na gus...