"Hey Hon! Good evening!"
"Oh Hon! Ang aga mo ata, may meeting pa ako oh" sagot agad niya sa akin pag pasok ko sa Office niya.
Naging maayos naman ang pag papanggap namin dito sa office niya. Di ko nga alam kung magaling lang kami Umarte or sadyang madali lang mauto ang mga tao dito Hahahhaha
"Good Evening ma'am River" Bati naman sa akin ng secretary niya. May pinag me meetingan ata sila
^_^"Hi din po. Ahm Hon? Pwede ba kita maka usap saglit? Promise po saglit lang" Tanong ko habang abot tenga ang ngiti ko
^_^"Ow sure Hon. Makaka tanggi ba ako sa ngiti mong yan?" Ganda talaga ni wife ko. Isang ngiti palang natutunaw na ako
Kina usap niya muna saglit ang secretary niya di ko alam ang name, tapos ay umalis nadin agad ito.
-_-"Oh bakit? Sinabi kong wag kang aalis ng bahay ng hindi ako kasama diba?!" At bumalik na po ang totoong siya.
Ang Atarah na sobrang ganda pero masungit sa akin, Ang Atarah na mahal ko pero hindi ako mahal.
"Ahm Hon kas--"
"Don't call me Hon pag tayong dalawa na lang. Kinikilabutan ako marinig ko lang ang salitang yan sayo" Pigil agad niya sa sasabihin ko. Parang may kung ano naman sa dib-dib ko ang sumakit. Why?
Naka upo lang siya habang ako naman hindi na mapakali, teka pano ko ba sasabihin to?
"Ahm Atarah p-pwede b-bang umuwi muna ako sa Baguio? Yung kapatid ko kasi hindi ko pa nakikita and ano, ahm may trabaho ako don tapos ano. . . .Ahm please?" Taranta kong sabi. One weak na kasi ako dito sa Manila at hindi pa ako nakaka uwi, na explain ko naman ng maayos sa kapatid ko kaya okay lang pero kasi miss ko na yon
Siya naman diretso lang ang tingin sakin. Hindi ko siya mabasa
"No"
Huh?
Yun na yon? Ni wala man lang reaksyon ang muka niya
"W-why? Ahm need ko lan--"
"Bingi ka ba? Hindi nga diba!!! Tawagan at papuntahin mo nalang dito ang kapatid mo"
"P-pero kasi may aasikasuhin lang sana ko don and promise Babalik naman ako eh. Nee--"
"No!!! Hindi ka aalis you understand?! Now leave!!!"
O.O Ahh okay? Bakit galit na galit siya?
Tumayo ito at pumunta sa veranda ng office niya. Agad naman akong sumunod sa kanya. Baka naman may dalaw siya kaya ganito, pero kasi araw araw naman siyang ganito. So ano yon? Araw araw may dalaw?
"Okay hindi na ako aalis. Wag ka na magalit oh. Nag tatanong lang naman ako eh. Wag ka na high blood, ikaw din baka atakihin ka nyan" Sabi ko agad sa kanya.
Gusto ko siya yakapin pero Natatakot ako. Iba kasi yung galit nya ngayon. Ngayon lang ako natakot sa kanya ng ganito.
Hindi niya ako pinansin. Seryosong naka tingin lang siya sa taas. Ang ganda ng langit ngayon.
"Do you love me?"
O.o whuttt
"Ha? Ahm ano teka saglit kasi ano ah--"
"Pwede ba tigilan mo nga yang kaka ANO mo!! Para kang ANO ah!!" Nako naman ayan galit na naman, pero bakit ang cute padin?
^_^ ngumiti lang ako at lumapit sa kanya. Naka upo siya ngayon dito. Ang ganda kasi nitong veranda niya, ang laki pa. Parang garden na nga eh.
"Yeah I love you" Sabi ko habang naka tingin sa kanya. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang mga kamay nito
"Gagawin ko lahat ng gusto mo, susundin din kita kahit Anong mangyari. Basta wag ka na magalit at malungkot okay?"

BINABASA MO ANG
Just PRETENDING
Romance"Someone said to me that It's hard to pretend you love someone when you don't. But its harder to pretend you don't love someone when you really do." "Then stop Pretending. Because right now I don't know what's real anymore" . . Yung feeling na gus...