Tumingin si Jung so sa relo niya. "Ala - sais na pala ng gabi, I need to go" sabi niya.
"Sir medyo delikado na po lumawas ng ganitong oras, taga san po ba kayo", tanung ulit ng matandang lalake
Mukang hindi nila talaga kilala kung sino siya. Biglang sumagi sa isip niya ang dalawang kaibigan. Masakit pa rin sa kanya na nagpakasal na ang babaeng mahal niya siguro nga mas mabuting ipahinga muna niya ang puso kahit isang gabi lang.
Napahawak siya sa kanyang batok, naramdaman niya ang pagod sa maghapong pagddrive. Nilingon niya ang matandang lalake. " taga Seoul po ako", sagot niya.
"Naku sir mahaba po pala ang byahe niyo mas mabuti pong bukas nalang po ng umaga kayo bumalik sa Seoul",
Tumango lang siya sa sinabi nito. Nilingon nito ang sasakyan niya. Mukang alam nito na sa sasakyan siya matutulog ngayong gabi.
"Gusto mo sir sa bahay kana muna tumuloy,",
Mas ok na siguro kesa nakabaluktot akong matulog isip niya. "Ok lang po ba?"Ngumiti ang matanda. "Naku wala pong problema para naman makabawi kame sayo sir, sa pagbili mo nang paninda ni chi-chi." Sabi nito at nilingon ang anak na babae.
Nilipat ni Jung-so ang tingin kay chi. Ngumiti ito sa kanya pero wala siyang reaksyon. Parang natameme yata siya sa babaeng ito.
Pagkatapos magligpit ng mga gamit ay sumakay na si chi at mama niya sa lumang sasakyan ng papa niya. Sa likod sila nakasakay. Pick up ang sasakyan nila . ang papa niya ang nagddrive katabi naman nito ang mama niya. Sa likod silang dalawang mag kapatid. Medyo malamig ang lugar nila kaya makapal ang jacket nilang suot.
Habang nakasunod si Jung so ay tanaw niya si chi-chi. Kahit hinahawi ng hangin ang buhok nito ay pansin agad ang mala pink na pisngi at ang mapula nitong labi. Alam niyang wala itong make-up marami na kasi siyang nakadate na babae na puro kolorete sa mukha.
Napakurap siya nung tumingin ito sa kanya at ngumiti.Blankong titig lang ang binigay niya kay chichi. Kahit ganun ang reaksyon niya ay hindi naman ito nagpakita ng pagiging mataray.
Sa ayos pa lang ni chi ay napaka simple nitong babae. Hindi niya din akalain na kaya nitong buhatin ang isang malaking palanggana na puno ng isda.
May pagka mahiyain din ito at mabait napansin niya iyon kanina habang nagtitinda si chi-chi.
Sa gamit pa lang ng ama nito ay nalaman ni Jung-so na mangingisda ito.
Mayamaya ay nakarating na sila sa bahay.
Nasa tabing dagat pala ang bahay nila chichi.
"Sir pasensya kana sa bahay namin", sabi ng papa ni chichi habang binubuksan ang pinto.
"Ako nga po ang dapat mahiya kasi pinatuloy niyo ako Hindi naman po ninyo ako kakilala pa",
"Pasok po kayo sir", sabi naman ni Jim.
Umupo si Jung-so sa sala. Pansin niya payak lang ang pamumuhay ng mga ito. Nilibot niya ang paningin. Nakita niya ang mga litrato ng pamilya ni chichi. Mayamaya ay umupo din ang matandang lalake.Isa isang pinakilala ng matandang lalake ang miyembro ng pamilya.
"Anung pangalan mo hijo", tanung ng mama ni chi.
"Ako po si Jung so", pakilala niya.
Naghahapunan na sila ng oras na iyon simple lang ang pagkain na hinanda ng mama ni chi. Natuwa ang mama ni chi nang magustuhan ni Jung-so ang niluto nito. Masarap magluto ang mama ni chi kahit simpleng rekado lang ay nagagawa nitong special. Nang matapos kumain. Ay nakipagkwentuha ulit siya sa papa at kapatid ni chichi.Napalingon siya nang lumabas si chi ng kwarto. Hindi na nito suot ang makapal na jacket at pantalon wala na din itong Bonet. Kahit naka long sleeve si chi ay kitang kita niya ang magandang katawan nito dumagdag pa ang buhok nito na nakatali. Kita niya ang maputing batok at leeg nito.
Napansin ni chichi ang titig ni Jung-so. Bigla siyang na intimidate kaya pumunta siya sa kusina para tulungan ang mama niya na naghuhugas ng Plato.
Pagkatapos ng kwentuhan ay lumabas muna si Jung so.
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
FanfictionSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...