SW C-9

1.7K 50 1
                                    

Chichi POV


Huminto ang sasakyan ni jung so sa isang malaking bahay. Binuksan niya ang gate at pinasok niya ang kotse. Pagbaba ko ay nilibot ko ang paningin sa tapat ng malaking bahay.



"Welcome to my haunted house" nakangiting sabi niya.



Kinabahan ako. "ha-haunted house sir?"



Tumawa siya dahil sa reaksyon ko. "im just kidding, muka lang haunted house yan hindi na kasi nalilinis, thats why it looks haunted house".



Tumango lang ako. Kala ko haunted house talaga. Isip ko.



Sa unang tingin matatakot kang pumasok sa loob. Sa labas pa lang kasi ay napapaligiran na ito ng matataas na damo at mga sanga. Yung ibang sanga ng kahoy na malapit sa bintana ng bahay ay nakapasok na. Halos kumakapal na din ang lumot na nasa gilid ng bahay. May kalakihan ang bahay ni jung so. Hindi lang ito basta bahay kundi mansyon.



Nilingon niya ako habang naglalakad kame nasa likod niya ako nakasunod. 



"N​akalimutan pala naten dumaan sa mall para bumili ng damit at gamit mo. Anyway hindi din naman ako pwede sa mataong lugar. Mag-uutos na lang ako bukas para bilhan ka ng damit." nakangiting sabi niya at nagpatuloy ulit sa paglalakad.



Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin naman alam kung anung sasabihin ko sa kanya. Na trauma pa rin kasi ako sa ginawa ni madam Ji sa akin.



Pagbukas niya ng malaking pinto ay napakadilim sa loob. Tinungo niya ang main switch na nasa likod ng pinto. Pagbukas ng ilaw ay nakita ko ang malaking sofa, malaking tv at malaking hagdan papunta sa second floor. Nakita ko din ang mga damit nang babaeng nakakalat, pati underwear at bra ay nakakalat.



"S​ir nasan po ang asawa niyo?" biglang tanung ko habang dinadampot ang mga damit na nakakalat.



Nagpameywang siya sa akin. "I dont have a wife ​or a girlfriend. Sad to say that the girl that i love is now married" diretsahang sabi niya. Kita ko na sumeryoso siya ng ilang saglit pero ngumiti din.



Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Sir totoo? Sa gwapo mong yan wala kang asawa?" sabi ko.



Umupo ako sa sofa. Napansin kong makapal na din ang alikabok na nakadikit kaya tumayo ako.



"Y​eah," yun lang nasabi niya. Pumunta siya sa kusina. Tanaw ang kusina mula dito sa sofa.

The PLAYBOY: Series of Loving the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon