Someone POV
"Kamusta na kaya ang anak natin, Mag-tatatlong buwan na din siyang nasa syudad". Pag-aalalang sabi ni Ester habang naghuhugas ng plato. Nasa kusina silang tatlo halata ang pag-aalala kay Chichi.
"Ma Pa magdasal na lang tayo na ok si Chichi" sabi ni Jim
Nagbuntong hininga si Mang Choi. "tama Jim" matipid na sagot ni Mang Choi. Kahit mabait si Fred ay hindi niya maiwasang mag-aalala, alam niya ang ugali ni Ji may pagka masungit ito at maiksi ang pasensya kaya hindi malabong saktan nito si Chichi.
"Baka malapit na din siyang umuwi ma, medyo matagal na din siya doon, malapit na sigurong matapos bayaran ang utang natin"
--------
Jung-so POV
"Jung-so may pictorial ka bukas" sabi ni manager habang naglalakad kami sa hallway ng TOS (Talent of Star Network)
Tumango lang ako at kumaway sa kanya. Mabilis akong nagtungo sa Parking lot. Ramdam ko ang pagod sa maghapong shooting.
Halos tatlong buwan na din nung mabalitaan ko mismo kay Park na buntis na si Lea. Kahit papano masaya ako sa kanilang dalawa. Unti-unti na rin akong nakaka-move on, itinuon ko rin ang isip sa pagta-trabaho. May mga araw din na sinusubukan kong makipag-date sa ibang mga babae pero tila yata pare-pareho lang sila.
"Makauwi na nga para makapagpahinga" sabi ko at pinaandar na ang kotse. Naisipan kong dumaan sa shortcut para mabilis na makarating ng bahay. Antok na antok na ako dahil sa dalawang araw na shooting.
Habang tinatahak ang daan ay napatingin ako sa isang karinderya. Hindi pa ako nakaka-kain sa ganitong lugar. Huminto muna ako saglit nag-iisip kung kakain o hindi. Ilang saglit ay may lumabas na matabang babae. Hatak hatak ang buhok ng isang babae, nakita ko kung paano ito pahiyain ang babae at sampal-sampalin.
Napakunot ako ng noo nang makita ang itsura nito. May pasa sa kabilang pisngi at sugat sa mga braso. Napailing ako, nadismaya ako sa nakita tinignan ko ulit ang babaeng sinasaktan tila pamilyar ang itsura niya. Pero di ko maalala kung saan.
Nawalan ako ng ganang kumain. Pinaandar ko ulit ang sasakyan para makauwi na.
Pagpasok ko ng bahay nakita ko ang damit ng babae, naalala ko mag-iisang linggo na pala akong hindi nakakauwi dahil sa condo ako tumutuloy. Naiwan nang babae ang damit niya nung minsang inuwi ko siya dito. Halos lahat yata ng nakikilala kong babae ay mabilis na bumibigay na ok lang sa kanila ang one night stand. Hindi ko na rin mabilang ang pumupunta rito, pati pangalan nila ay hindi ko alam, wala akong interes sa kanila basta nag-eenjoy ako ay ok na ako.
Masasabi kong kahit tinatamasa ko ang kasikatan at magandang buhay ay di ko matatanggi na napaka boring ng buhay ko. Ganito ako pagkatapos ng shooting, paguwi ng bahay ay mag-isa na lang ako. Mas pinili ko ang ganito, gusto kong patunayan kila Mom and Dad na hindi ako nagkamali sa desisyon ko.
Nagpunta ako sa kusina at binuksan ang ref. Pasira na din ang mga karne at ibang laman nito pati ang loob ng ref ay binalot na nang yelo. Binuksan ko ang drawer na nasa taas nito. Nakita ko ang iilang Pack ng noodles.
"Good thing meron pang natira at hindi pa expired"
Agad kong niluto. Habang hinihintay ko ang pagkulo ng tubig ay naalala ko ulit yung nakita ko sa karinderya kanina. Na malikmata ako habang nakatingin sa tubig. Parang naalala ko kung sino yun.
"Chichi?" Napahawak pa ako sa batok "No, it's not her, masyadong malayo ang lugar nila mula sa seoul"
Pagkatapos maluto ng noodles mabilis ko iyon kinain. Medyo nakakasawa na din kasi ang mga pagkain sa Fastfood at restaurant. Marunong naman ako magluto pero pag tinamad ako mas pipiliin ko pang kumain ng instant noodles.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako at humiga nang kama. Tinignan ko muna ang cellphone ko kung may nagtext. Meron nga
"How are you babe? It's me Yumi", text ng babae na nakilala ko sa isang bar, hiningi nito ang number ko, lasing na siguro ako kaya binigay ko.
Wala akong balak replayan kung sino man ang babaeng ito. Binura ko ang message.
Ilang saglit din akong nakatingin sa kisame bago dinalaw ng antok.
![](https://img.wattpad.com/cover/152505981-288-k531082.jpg)
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
FanficSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...