Habang tinatahak ang daan ay dahan dahan niyang pinaandar ang kotse sa harap ng karinderyang dinaanan niya kahapon. Binaba niya ang side mirror, mukang may gulong nangyayare.
Napansin niya ang iilang taong nakatayo sa harap nito. Nakita na naman niya ang babaeng sinasaktan. Hindi niya maiwasang maawa dahil sa itsura nito na puro sugat at pasa.
"Hindi ka talaga nagtatanda, Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang mag-iiwan ng hugasin sa kusina". Galit na sabi ng matabang babae nakahawak ito sa buhok ng babae
"Tama na po" hagulgol na iyak nito.
Pati ang ibang waiter ay inaawat na rin ang babaeng mataba.
"Tama na po madam ji, nasasaktan na po Chichi" sabi ng isang lalaki.
Chi-chi
Chi-chi
Chi-chi
Tila ume-echo sa utak ni Jung-so ang narinig. Tinignan niya ang babaeng puro pasa. Naalala niya ang mukha ni Chi-chi. Sigurado siyang si Chi-chi nga ang nakikita niya.
Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at pinuntahan si Chichi, awang-awa siya sa itsura nito. Nakaupo na ito sa kalsada dahil sa paghahampas ni Madam Ji. Akmang hahampasin ulit ito ni madam Ji ngunit nahawakan ni Jung-so ang mga kamay nito.
"Stop it!!" Malakas sabi niya.
Lalong nagkumpulan ang mga tao. Nagulat sila ng makita ang actor na si Jung-so
"Diba si Jung-so yan yung sikat na actor?" sabi ng isang babae.
Binalewala ni Jungso ang mga nasa paligid. Inalalayan niya si Chi-chi na makatayo. Nagulat ito ng makita siya, kahit hindi magsalita si Chichi ay alam niyang naalala siya nito.
"Bakit mo hinayaang saktan ka nang babaeng yan" tanung niya habang inaakay si chichi patayo.
Hindi ito nakasagot.
"May utang ang pamilya nila at kailangan nilang bayaran!!!" malakas na sabi ni Madam Ji.
Napailing si Jung-so sa sinabi nito. "Magkano ba ang utang nila??!" napataas na din ang boses niya.
"Bakit babayaran mo ba??!" sigaw ulit ni Madam Ji.
Kinuha ni Jungso ang wallet at nilabas ang Cash na meron siya. Nanlaki ang mata ng mga taong nakikiisyoso, si madam ji ay nagulat din.
"Eto kunin mo lahat, siguro naman sapat na yan para makabayad sa utang nila"
Mabilis na kinuha ni Madam ji ang pera at sinuksok sa bulsa. "Kulang pa binayad mo"
Kinuyom ni Jung-so ang kamay. Mukang makapal talaga ang mukha ng babaeng ito.
"Kung kulang pa sa prisinto tayo mag-usap, pwede kitang idemanda dahil sa ginawa mo kay chichi." Seryosong sabi niya. Tila natauhan si Madam ji sa sinabi niya.
"Sige, pwede na ang binayad mo", sabi nito at tumingin naman kay chichi. "Bumalik kana sa kusina, marami ka pang huhugasan" sigaw naman nito kay chichi.
Hahakbang na sana si chichi pero hinawakan agad ni Jungso ang kanyang braso.
"Hindi na magtatrabaho sayo si chichi dahil nakabayad na siya ng utang niya". Seryoso sabi niya.
"Anung hin---" hindi natapos ni Madam Ji ang sasabihin nang magsalita ulit si Jung-so
"Kung pipilitin mong magtrabaho pa sayo si Chichi, mapipilitan akong kasuhan ka" sigaw ni jung-so, hindi na niya napigil ang galit niya.
Mabilis niyang binuhat si chichi papasok ng sasakyan. Napansin niyang nagulat din ito sa sinabi niya.
Nakita niya madami na pa lang tao ang nakikiisyuso sa kanila. Pati si Madam Ji ay nadismaya nakita niya na lang na mabilis itong pumasok sa karinderya.
Habang nag-ddrive ay rinig ni jung-so ang pagiyak ni chichi. Sinulyapan niya ito. "Don't cry, you are now safe". Pag-aalo niya.
"Sir salamat po" matipid na sabi nito pero tuloy pa rin sa pag-iyak. "Sir naiwan ko po ang mga gamit ko pwede po bang balikan natin?"
Napatingin siya kay chichi dahil sa narinig. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o seryoso ang sinabi nito.
"Don't worry bibili na lang tayo ng damit at iba mo pang kailangan".
"Sir pwede po bang umuwi na ko bukas?, kahit dun na lang po sa sakayan papunta samin".
Nag-isip muna siya bago nagsalita. Tinignan niya si chichi. "Hindi ka pa siguro pwedeng umuwi, mukang mag-aalala sayo ang mga magulang mo pag nakita yang mga sugat at pasa mo."
Napalingon si chichi kay jung-so nawala sa isip nito ang maraming sugat at pasa sa katawan.
"May matutuluyan ka ba dito sa seoul?" tanung ni jungso
"Wala po sir, wala po kaming kamag-anak dito maliban dun kay Madam Ji yung matabang babae kanina",
Nakaramdam ulit ng inis si Jung-so dahil sa nakitang pananakit ni Madam Ji kay chichi. "Bakit mo kasi hinayaang saktan ka niya!!" malakas na sabi niya.
Mukang nabigla si chichi sa narinig kaya napaiyak ulit ito. " Sir hindi ko po kayang lumaban natatakot po ako"
Napahawak si Jung-so sa sintido. Ano ba na namang babae na toh hindi kayang ipagtanggol ang sarili.
Naisip niyang sa bahay muna niya tumuloy si Chichi. "Sa bahay kana muna, pagagalingin muna natin yang mga sugat at pasa mo bago ka umuwi sa inyo".
Hindi na sumagot si chichi pero kahit papano ay tumahan na ito sa pag-iyak. Wala din naman itong magagawa kung tatanggi pa. Sa tingin ni chichi si Jung-so lang makakatulong sa kanya.
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
FanfictionSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...