Si Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya.
Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Chi, I need to go promise I'll come home early." sabi ko kay chichi.Tinulungan ko siyang tumayo at pinunasan ang kamay niyang may clay.
"Mag-ingat ka" sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
Napansin ko ang mga gawa niya. Halos mapupuno na pala niya ang isang buong cabinet, dagdag pa na may mga box pa na nakatabi sa may gilid ng cabinet na ang laman ay mga gawa niyang vase.
"Chi, marami ka na palang nagawa, anong gusto mong gawin dyan?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Pwede bang ibigay na lang natin yan sa mga kapitbahay namin doon sa dalampasigan?".
Natigilan ako sa sinabi ni chichi. Halos isang taon nang patay ang pamilya niya, ngayon ko lang ulit sa kanya narinig ang dalampasigan. Iniiwasan kong magsalita o magkwento ng tungkol sa pamilya niya dahil alam kong malulungkot siya.
Ngayon nakikita ko sa mukha ni chichi na natanggap na niya na wala na ang pamilya niya.
"Sige chi kung yan ang gusto mo". Sabi ko at hinawakan ang pisngi niya.
Tinawag ko si yaya na nasa labas. "Yaya aalis na po ako, kayo na pong bahala kay chichi" sabi ko.
Pumasok agad si yaya at tinulungan si chichi na makaupo, tinuon ulit ni chichi ang atensyon sa pagpa-pottering.
Paglabas ko ay nakita ko ang tatlong bodyguard na nag-uusap.
Habang papalapit sa kotse ay narinig ko ang usapan nila.
"Aalis na siya,..pagkakataon na natin" sabi nung isa.