Si Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya.
Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...
Habang nasa daan ay nakatuon pa rin ang isip ko kay chichi. Hindi pa rin siya nagsasalita kahit ang ngumiti. Kahit nasa trabaho ako ay di ko maiwasang isipin siya. Wala na din akong oras sa mga babaeng nakakasama ko dati. Habang nakakasama ko si Chichi ay napansin ko ang sarili kong wala ng interes sa mga babaeng nangungulit sa akin. Aaminin ko hindi ko na kayang matulog sa ibang babae. Gabi gabi kasi ay doon lang ako sa kwarto ni chichi natutulog, binabantayan ko siya hanggang sa makatulog siya.
Ilang saglit pa ay may nakasalubong akong tila pamilyar na sasakyan. "Yumi?" sabi ko sabay iling. Itinuon ko ulit ang tingin sa daan.
Pagbaba ko ng sasakyan ay saktong tumunog ang cellphone ko.
Unknown: "Why your not answering my calls? -Yumi
Bigla akong kinabahan. Naisip ko ang sasakyang nakita ko kanina sa daan. Pumasok ulit ako ng Kotse at mabilis na nagdrive pabalik ng bahay. Nanginginig na din ang tuhod ko natatakot ako sa posibleng gawin ni yumi.
Pagdating palang sa gate ay rinig ko na ang sigaw ni Yumi. Napatingin ako sa bintana ng kwarto ni Chichi doon nanggagaling ang boses.
"Damn it!!" sabi ko at patakbong pumunta sa kwarto sa ni Chichi.
Nakita ko si Chichi na wala ng malay at duguan ang mukha, Pati si yaya ay nakaupo na lang sa gilid, walang malay. Lalong lumakas ang kaba ko dahil sa sitwasyon ni chichi. Pinigilan ko si Yumi sa pananakit kay chichi.
"Yumi Stop it!!" sigaw ko. Hinawakan ko siya sa braso at nilayo kay chichi.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Siya ba jung-so?? Siya ba ang bago mong babae??" sigaw niya sabay hablot ng braso niya.
"Yes Yumi!!, so stop it!!".
"Your crazy!! bakit mo ginawa sa akin ito!!" Sigaw niya, nag-uumpisa ng tumulo ang luha niya.