Chichi POV
Tatlong araw ko nang hindi naabutan si Jung so pag-umaga. Pagumuuwi naman siya ay tulog na ako.
"Iniiwasan ba ako ni sir? May ginawa ba akong mali?" sabi ko.
Binuksan ko ang tv at umupo sa sofa nasa tabi ko ang mga bagong damit na dala niya nung isang gabi. Magaganda at mamahalin nakadikit pa ang mga tag price. Nalinis ko narin ang kusina at sala. Pati yung katabing kwarto niya sa taas.
Lumabas muna ako para naman makalanghap ng sariwang hangin.
Tinignan ko ang labas ng bahay. Hindi ko pa natatanggal ang mga sanga at lumot.
"Linisan ko na lang" sabi ko pumasok ako sa loob para kumuha ng mga gamit panlinis.
Kinuskos ko ang mga lumot na nakadikit pati ang sanga na umabot na sa bintana ay tinanggal ko din.
Pati ang mga damo na nakapalibot sa gild ng bahay ay tinanggal ko din. Hapon na ako natapos sa paglilinis, halos lumuwa ang mata ko ng makita ang itsura ng bahay. Ibang iba ito kumpara kanina bago ko linisan.
Dahil sa tuwa ko ay nilinis ko ulit ang sala pati ang kusina. Hindi ko ramdam ang pagod dahil alam kong matutuwa si jung-so pag nakita niya ang bahay niyang malinis.
Binuksan ko ang lahat ng ilaw sa sala pati na rin sa kusina. Dun ko lang napansin na may mas igaganda pa pala ang buong bahay pag nakabukas lahat ng ilaw.
BINABASA MO ANG
The PLAYBOY: Series of Loving the Heartthrob
FanfictionSi Jung so ay isa sa mga sikat na actor sa Korea, napaka-gentleman pero babaero. Tagapagmana din siya ng isang malaking kompanya. Ngunit mas ginusto niya ang kasikatan kesa magpatakbo ng kompanya. Naging matalik niyang kaibigan si Park. Laking gula...