PROLOGUE

196 6 3
                                    


Simula ng ipinanganak ako, hindi na maganda ang trato sakin ng magulang ko. Madalas ay nakakatanggap ako ng palo sa tuwing umiiyak ako noong bata pa. Dahil sa takot, ay mas pinipili ko noon na humikbi na lamang.




Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa kanila para ganituhin ako. Anak nila ako, bakit hindi nila ako mahal? Sabi nila, malas daw ako at walang kwenta. Sa kabila ng pag aaral ko ng mabuti, para sa kanila ay wala lang 'yon. Mas mabuti pa nga daw na hindi nalang ako mag aral.





Lumaki akong mag isa. Kasama ko nga sila sa iisang bubong, pero pakiramdam ko parin ay mag isa ako. Walang nakakaintindi sa akin. Tuwing may problema ako ay wala akong mapagsabihan. Bakit? Dahil wala rin naman akong kaibigan. Takot akong lumapit sa mga taong nakapaligid sakin dahil baka saktan lang din nila ako katulad ng pananakit sakin ng mga magulang ko.




Masakit dahil hindi man lang nila ako tinuturing na anak nila. Walang nagmamahal sakin. Walang nakakaintindi sakin. Sa totoo lang, hindi ko na kinakaya. Bakit pa ba ako nabuhay kung ganito lang rin naman ang mangyayari sakin? Pero naisip ko, kahit papaano maswerte parin ako dahil nabuhay ako kaya dapat parin akong magpasalamat sa Diyos.





Simula pagkabata, wala akong naging kaibigan. Takot akong lumapit sa kanila, at sila naman ay ayaw akong lapitan at madalas ay inaaway ako. Ang hirap. Ang hirap na wala akong makausap.




I'm always lonely. My life is miserable. I want to do everything just to make myself happy but it didn't work always. Why? Because how I can be happy if I'm always lonely? I want to be happy with someone else. I want to talk with others, I want to share problems with others, I want to eat with others but its so impossible.





My life is not colorful because I'm always alone. Because no one loves me. My world is full of darkness. When it will be colorful?





Nandito ako sa park at mag isa. Nakatingin ako sa mga batang naglalaro. Masaya silang naglalaro. Sana naging masaya rin ako noon. Hindi ko naman naranasan na maglaro sa park, makapunta sa ibang lugar dahil madalas nasa bahay ako. Kapag lumalabas ako ay puro sigaw at palo ang nakukuha ko sa mga magulang ko. Ano bang ikinagagalit nila? Hindi ko man lang naranasan na maging masaya.





Ngayong dalaga na ako at may isip na, nagsisink na lahat ng mga nangyayari sa akin. Sa ngayon, balak kong mag aral pero ayaw nila akong pag aralin dahil gastos lang naman daw. Naranasan ko naman na mag aral noon pero hindi sila ang nagpa aral sakin kundi ang guro na nakilala ko noon. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Siguro kung hindi ko siya nakilala ay baka lumaki akong wala man lang alam.




Ngayon ay mag SH na ako pero kailangan ko ng pera para sa pag aaral. Mabuti na lamang at may naiipon ako sa tuwing nagtitinda ako sa palengke ng mga isda at karne. Tuwing umaga ay ganun ang tinitinda ko. Sa hapon naman ay naglalako ako ng meryenda. Mabuti nalang at may bumibili kahit papaano.





Bigla akong napa aray ng may batong tumama sa akin. Napatingin ako sa batang tumatawa na hindi masyadong malayo sa kinauupuan ko. Anong naisip niya at ako pa ang napagtripan niya?




"Nako iha! Pagpasensyahan mo na ang anak ko ha? Pagsasabihan ko nalang." Sabi sa akin ng babaeng lumapit sakin. Ngumiti nalang ako at tumango.




Hindi na rin ako nagtagal at nagpasya na akong umuwi. I need to go home dahil baka mabulyawan na naman ako ni mama. Alam ko ang ugali niya. Kapag hindi niya ako nadatnan sa bahay ay sigaw ang abot ko lagi sa kanya.




Kaya lang naman ako nandito sa park dahil gusto ko ng preskong lugar. Hindi katulad sa bahay namin. Walang kabuhay buhay. Walang kasiyahan. Hindi ko maramdaman ang tinatawag na 'pamilya'.





Mabilis akong nakarating sa bahay namin. Walang tao duon. Naabutan ko ang sala na makalat. Puro bote ng alak ang nanduon. Dumiretso ako sa kusina. Tambak duon ang hugasin, at sa lamesa naman ay nandun ang pinagkainan nila. Tumingin ako sa kaldero kung may kanin pa ba. Wala na pala. Tumingin din ako sa kawali kung may ulam pa ba na niluto ko kanina. Wala na rin pala.




Napabuga nalang ako ng hangin. Hindi naman ako gutom kaya ayos lang. Nilinis ko na ang kalat sa lamesa at naghugas na rin ng mga hugasin. Naglinis na rin ako ng bahay para wala ng kalat.





Maya maya ay dumating na si mama. May dala siyang mga paper bags at mukhang galing siya sa mall.





"Ma? May pera ho kayo? Saan po kayo nakakuha?" Tanong ko kaagad sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay.




"Ano bang paki mong bata ka? Maglinis kana nga lang ng bahay pwede?!" Bulyaw niya sakin.




Natahimik ako. Oo nga naman, ano nga bang pakialam ko diba? Anak niya lang naman ako.





Nang matapos akong maglinis ay naisipan kong magpahinga. Hindi naman ako makatulog kaya naisipan kong bilangin ang naiipon ko. Pero don't worry, hindi naman ako sa alkansya nag iipon.





Nagulat ako dahil pagbukas ko ng box na iniipunan ko ay wala na duon ang ipon ko. 'Yon ang ipon ko para magamit ko sa pasukan.




Dali dali akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kwarto nila mama at papa.




"Ma? Tapatin niyo nga ho ako? Saan nanggaling 'yang perang ipinambili niyo?" Agad kong tanong. Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot.




"Ano bang pakialam mo ha? Diba sabi ko huwag kang nangingialam?! Hindi ka ba nakakaint--"




"Sa akin ho ba ang pera na 'yan ma?" Naiiyak kong tanong. Tinignan niya ako ng matalim.




"Anong ipinapalabas mo? Na magnanakaw ako? Na kinuha ko ang ipon mo?!" Pasigaw niyang tanong. Agad tumulo ang luha ko.





"Ma! Akin yun e! Gagamitin ko yun sa pagpasok ko! Ma naman!" Naiiyak kong sabi. Agad niya akong nilapitan at hinila ang buhok ko.




"WALA AKONG PAKIALAM KUNG IPON MO 'YON! HINDI KA MAG AARAL, NAIINTINDIHAN MO?!" Sigaw niyaw at tsaka ako tinulak ng malakas at tsaka siya lumabas.





Ang sakit. Ang sakit saki lang. Parang pinipiga yung puso ko. Hindi ko akalain na magagawa yun ni mama sakin. Yun na lang ang pag asa ko para makapag aral ako.. nawala pa.





Gusto ko ng makaalis. Gusto ko ng makatakas. Wala ba akong karapatan na maging masaya? Kailangan ba puro pasakit ang mararamdaman ko?!






I'm tired of being alone. And I'm tired of being hurt always. I want to be happy. Kailan matutupad yun? Kailan ba ako magiging masaya?

ALONE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon