Crystal's POV
"Maglinis ka ng bahay, pagdating namin ng papa mo dapat walang kalat. Tsaka pagkatapos mo maglinis ng bahay, magtitinda ka diba? Dapat marami 'yang benta mo ha. Kapag hindi yan marami makakatikim ka sakin ng sampal."
Tumango nalang ako habang kinukusot kusot ko pa ang mata ko. Kakagising ko lang at alas tres palang ng madaling araw.
Lumabas na sila ni papa at naiwan na akong mag isa. Nagsimula na akong maghilamos at mag ayos. Talaga namang magtitinda ako, ang kinakatakot ko lang ay yung kikitain ko. Nagbabalak nga ulit akong mag ipon para sa pag aaral ko. Gusto ko talaga mag aral, para naman may maipagmalaki ako.
Nang makapaglinis na ako ng bahay ay umalis na ako dala ang mga gulay na ibebenta ko at pumunta sa palengke. May pwesto ako dun sa pagtitinda ng mga isda at gulay. Yung mga isda na binebenta ko, binibili ko lang rin naman yun. Alam niyo yung mga nakalagay pa sa planggana na mga bagong dala lang tuwing madaling araw? Yun, yun ang mga kinukuha ko.
Simula pagkabata ko, akala ko magiging masaya ako. Hindi naman pala. Siguro pagsubok lang 'to sakin ng Diyos at tinitignan niya kung gaano ako katibay.
Kumuha ako ng 20 tilapia, 5 bangus, at 10 galunggong. Ayan lang ang madalas ko kunin. Sa ngayon, kumuha muna ako at mamaya ko babayaran dahil wala pa akong pera. Mabuti at mababait naman sila.
Nagpunta na ako sa pwesto ko at inayos ang mga ibebenta ko. Nang maayos ko na ay naupo na ako at naghihintay ng mga bibili sakin. Kailangan ko kumita ngayon.
Nakatingin lang ako sa mga taong dumadaan. Aligaga na ang iba sa pagtitinda, yung mga mamimili marami na at talaga na inaagahan nilang mamili.
"Crystal?"
Lumingon ako sa kapwa ko tindera na si Aling Josie.
"Bakit po?"
"Baka naman pwede mo muna 'tong bantayan saglit. Kapag may bumili, pagbilhan mo na muna. Kung ano yung presyo ng sayo, ganun na rin sakin. Yung anak ko kasi aasikasuhin ko muna dahil may pasok."
.
Ngumiti ako at tumango.
"Sige po."
"Naku maraming salamat, may bonus ka sakin mamaya." Nakangiti niyang sabi at tumayo na.
"Ay, kahit huwag na po ayos lang naman po." Nahihiya kong sabi. Umiling siya sakin.
"Hindi! Ano ka ba, basta mamaya ha? Teka-- wala ka bang pasok? Ngayon simula ng pasukan ha? Tsaka kasing tanda mo lang yung anak ko, SH na siya ngayon."
Napatungo ako at hindi agad nakasagot.
"Bakit iha? Huwag mo sabihing hindi ka mag aaral?"
Tumingin ako kay Aling Josie at pilit na ngumiti.
"Balak ko ho mag aral, kaso.. hindi ko lang po alam kay mama kung papayag ba siya. Ayaw niya po kasi ako pag aralin." Sabi ko.
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Ha?! Ano?! Bakit naman hindi ka niya pag aaralin? Hindi naman pwede yun." Taka niyang tanong.
"Gastos lang daw po.." Mahina kong sabi. Nakakahiya lang magsabi.
Maya maya umalis na rin si Aling Josie. Gusto nga niyang kausapin si mama pero hindi ako pumayag dahil baka kung anong masabi ni mama sa kanya.
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone