Chapter 14

36 2 0
                                        








~•~




Crystal's POV






Ilang araw na ba kaming nandito? Siguro ay nasa mga tatlong araw na kami. Hindi kami makakain kaya naman sumasakit na ang tiyan namin dahil sa gutom. Kinakabahan ako dahil anytime pwedeng bumalik si papa dito. Hindi ko alam ang mga pwede niyang magawa. Lulong pa man din siya sa drugs. Baliw na siya. Hindi na siya ang kilala kong papa.






Papa?





Karapat-dapat pa ba siyang tawaging papa?




Sa kabila nang mga pinaggagawa niya sakin?





Pero naalala ko ang sinabi ni Spade. Na matagal na raw akong hinahanap ng totoo kong tatay.





At kung totoo nga yun, sana mahanap niya ako. Sana mailigtas niya ako. Kahit yun nalang..





"C-crystal?"





Napalingon ako kay Carla. Katulad ko ay pareho kaming madumi. Ngunit hindi na namin alintana yun. Ang kailangan namin, makatakas at.. makakain.






"Crystal.. gutom na ako.. Crystal, gusto ko na makatakas." Malungkot niyang sabi habang nakahawak siya sa tiyan niya. Maski ang sikmura ko, kumakalam na rin.





"H-huwag kang mag alala. G-gagawa t-tayo ng paraan para makatakas dito. Sa ngayon kailangan muna natin... m-magtiis." Sabi ko at naluha. Nakakatuwa dahil magpinsan pala kami.





"S-salamat.. Sana kapag nakatakas tayo dito ay makabawi ako sayo. Malaki ang kasalanan ko sayo.." Sabi niya at napahikbi.




Naiyak ako at niyakap ko siya. Nakalimutan ko na yun. At ang mas mahalaga, magkaayos na kami.





"Aaminin ko, sumama ang loob ko pero nawala din naman yun agad. Ang importante, maayos na tayo." Nakangiti kong sabi.





Ngumiti rin siya. Dahilan para makahinga ako ng maluwag. Pero ang kasiyahan namin ay nawala din agad dahil bumukas ang pintong gawa sa kawayan at may lalaking pumasok doon.





Agad akong napayakap kay Carla, maski siya ay ganun din. Sino naman 'to? Isa ba 'to sa mga tauhan ni Papa? Nakakatakot ang hitsura niya. Mas mukha siyang adik kay papa.






"Sino sa inyo si Carla?" Tanong niya. Walang sumagot sa amin ni Carla. At hindi ko rin naman nanainisin na ituro si Carla. Baka kung ano pa ang gawin ng adik na 'to.





"Mga bingi ba kayo? Sino sabi eh!" Napatili kami sa takot ni Carla nang magpaputok ang lalaki ng baril sa itaas. Nagyakap kami ni Carla. Mahigpit na mahigpit.





"Ano bang kailangan mo sa amin?!" Nagulat ako kay Carla. Naglakas loob siyang magtanong. Baka mahalata siya ng adik na 'to.





Ngumisi muna ito sa amin at binasa basa pa ang labi. Napangiwi ako dahil sa ginawa niya. Maski ang titig niya ay kakaiba.





"Kailangan ko? Ang puri ng isa sa inyo. Tutal ayaw niyo namang sumagot, e pasensyahan dahil papatayin ko nalang kayo."





Nanlaki ang mata ko nang itutok niya samin ang baril na hawak niya. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay. Maski si Carla gusto ko pa siyang mabuhay.





ALONE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon