~•~
Naghiyawan naman ang mga tao at nagpalakpakan. Hindi na ako nag bow at agad na ring bumaba. Bastos na kung bastos pero hindi ko na matagalan ang nakasuot ng ganto. Hindi ako sanay. Mas komportable ako sa tshirt at shorts. Pero yung ganito? Hindi.
Wala na rin akong nagawa kundi pumayag. Kaso hindi ko talaga akalaing.. magagawa ko ang ganito. Nakakahiya.
"Napakagaling mo sumayaw!" Papuri sa akin ni tita Crisele. Ngumiti ako ng tipid at aalis na sana para magpalit ng pigilan niya ako.
"Saan ka pupunta?"
"Magpapalit na po." Sagot ko. Umiling siya kaya nagtaka ako.
"May gustong mag table sa'yo, Crystal. Pagbigyan mo na." Nang marinig ko ang sinabi ni tita Crisele ay agad akong tumanggi.
"Ayoko po. Napag usapan na natin 'to tita diba? Sana naman po maintindihan ninyo." Sagot ko naman.
"Iha, hindi ka naman babastusin nung lalaking gustong mag table sa'yo. Kung tutuusin nga, kasing tanda mo lang siya. Sige na iha. Gusto ka lang makausap."
"Hindi po. Ayoko po talaga." Kailangan kong panindigan ang sinabi ko.
"Crystal, nandito naman ako. Babantayan ko naman yung kilos nung lalaki. Magmamasid masid ako. Sige na, gusto ka lang makausap nung lalaki. At isa pa, nagbigay pa siya ng dalawang libo. Dagdag din yun sa kita mo."
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang hirap tanggihan ni tita. Nakakainis naman 'to.
"Tita, ayokong humarap dun sa lalaking gusto mag table sa akin ng nakaganito. Magpapalit po ako." Sabi ko.
Napangiti siya. Hay, ano pa bang magagawa ko? Siguro wala namang masama. Depende nalang kapag binastos ako, yun na ang masama.
Nagpalit ako ng isusuot. Balak ko sanang mag tshirt pero pinagalitan ako ni tita Crisele. Kailangan daring ang suot. Bagay na hindi ko nagustuhan. Pero wala naman akong nagawa.
Nakasuot ako ngayon ng sleeveless dress. Wala akong bra at tanging tube lang ang pangtakip ko. Hindi na ko nag abalang magpaganda. At isa pa, nakamaskara ako. Pero ngayon sa mata nalang. Kaya ayos lang.
Dinala ako ni tita sa lalaking gustong mag table sa akin. At nagulat ako kung sino ito.
BAKIT SIYA?
Hindi ko makakalimutan ang masamang tingin niya sa akin kanina 'no! Kinakabahan ako. Hindi ako makatingin ng maayos.
"Oh, Crystal maiwan na kita dito ha." Sabi ni tita Crisele at agad umalis. At eto naman ako, umupo agad ng hindi siya tinitignan.
Ilang minuto ang lumipas at walang imikan. Yung totoo? Gusto ba niya akong kausapin o hindi? Nakakainis na ah.
Dahil sa inis ko, buong tapang akong tumingin sa kanya at nagulat ako dahil-- NAKATINGIN siya sa akin.
"A-anong tinitingin tingin mo?" Malakas kong tanong kahit ang totoo kabadong kabado ako.
Tumikhim muna siya bago sumagot sakin. "Umalis kana dito."
"Ano?"
Hindi siya sumagot. Bagkus, tumayo siya at bigla akong hinila patayo sabay labas ng club. Anong gagawin sakin ng lalaking 'to?!
"HOY ANONG GAGAWIN NATIN DITO?! MAY MASAMANG BALAK KA ANO?!" Inis kong tanong at balak sanang sumigaw ng bigla niya akong i kiss lips.
Smack.
Smack pero parang ang laki ng epekto sakin.
"WALANGHIYA KA, BASTOS!" Sigaw ko at akma siyang papaluin ng hawakan niya ang dalawang kamay ko.
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone