Naglalakad ako papuntang school ng biglang mapatigil ang malakas na ulan. Dali dali akong tumakbo at sumilong sa isang tindahan. Nakalimutan ko palang dalhin ang payong ko. Hindi ko naman alam na uulan pala. Hay dapat palagi kong dinadala yun. Naiinis ako sa sarili ko.
Habang naghihintay ako na tumila ang ulan, biglang may lalaking nakasumbrero ang sumilong din at tumabi sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya. Kayumanggi ang balat niya at mas matangkad siya sa akin.
Hindi ko nalang pinansin kaso nakita ko sa kanang kamay niya na may hawak siyang payong. Meron naman pala siyang payong bakit hindi niya ginagamit?
Hay. Ano bang pakialam mo Crystal? Bahala na nga. Hindi ko naman siya kilala. Bigla akong nagulat ng hilahin niya ang kamay ko at inilagay ang payong niya sa palad ko at pagkatapos, ay mabilis siyang tumakbo.
"TEKA!" Sigaw ko. Mabilis kong binuksan ang payong na binigay nung lalaki at tumakbo para habulin siya.
*BEEP!*
Bigla akong napahinto at napaatras ng businahan ako nung sasakyan. Humingi naman ako ng paumanhin dun sa nagmamaneho ng sasakyan.
Binaba niya ang window ng sasakyan niya at tumingin sa akin at nagsalita.
"Iha, huwag mo ng habulin ang taong alam mong hindi naman dapat habulin. Masasaktan ka lang." Sabi niya at pagkatapos ay tinaas niya na ulit yung window ng sasakyan niya at pinaandar niya na ulit ito.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano daw? Hindi ko naman kilala yung lalaki. Nagtataka nga ako kung bakit niya binigay sa akin yung payong.
Sayang. Hindi ko man lang naibalik. Siguro naawa sa akin kaya binigay niya sa akin yung payong niya. Kung yun siguro ang dahilan, salamat sa lalaki na yun.
Napangiti ako. Meron palang concern sa akin kahit papaano. Kahit pa.. hindi ko kilala.
***
"Hala guys, tignan niyo si Crystal!"
"Baliw ata yan e. Ngumingiti mag isa."
"Ang creepy niya!"
Nawala ang ngiti ko dahil sa bulungan ng mga kaklase ko. Hindi nga ata bulong iyon dahil rinig na rinig ko. Ano bang meron sa pag ngiti ko? Masama na ba maging masaya?
"Good morning class."
Agad kaming nagtayuan dahil dumating na ang prof namin sa English.
"Good morning, Ma'am Fatima." Bati rin namin sa kanya.
"Okay. Sit down boys. Girls, remain standing." Nagsi upuan naman ang mga kaklase kong lalaki at natira kaming mga babae na nakatayo.
"Girls, I want all of you are clean. Ayoko ng dugyot ha. Gusto ko malinis kayo sa katawan ninyo. Malalaki na kayo. Huwag kayo gagaya dun sa isang section."
Tumango naman kami.
"And isa pa, gusto ko palagi kayong naka bun. Kasi kapag nakalugay kayo it's so irritating. Ang pangit tignan. Is that clear girls?"
"Yes ma'am." Sagot namin sa kanya. Sa lahat ng mga kaklase ko. Ako lang ang naka bun ang buhok. Lumapit si ma'am Fatima sa akin at tinap ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone