EPILOGUE

47 4 0
                                        

Epilogue
--






May mga bagay na kahit gusto natin gawin o mangyari, hindi natin nakukuha o nangyayari. Kahit ipilit mo pa, kung hindi para sayo, hindi para sa'yo. Everything happens for a reason. Hindi mangyayari kung walang dahilan. God always tests us. He gives us challenges at tayo na ang bahala kung paano natin haharapin at malalagpasan yun.




1 year na ang nakalilipas after that incident. Hindi ko alam kung buo ba ako dahil kilala ko na ang totoo kong magulang, o hindi dahil may isa pa akong tao na hinihintay. Yung taong tumulong sakin. Yung taong minahal ako sa kabila ng mga nangyari sakin--




"Good morning, Spade. Kumusta kana? Sorry ha, ngayon lang ako nakabisita. Busy na rin kasi ako sa pag aaral ko e. Alam mo, marami akong ikekwento sa'yo." Sabi ko. Nakangiti ako kahit tumutulo ang mga luha ko. 



"Nakakapag-aral na ako, at may tirahan na ako. Kasama ko si dad. Alam mo yun, yung okay na sana kaso may kulang.." Pagpapatuloy ko.  Miss na miss ko na ang lalaking to.



"Spade.. sorry. Kasalanan ko 'to. Sinisisi ko ang sarili ko hanggang ngayon. Kung hindi dahil sakin, hindi ka mapapahamak."




Totoo naman. Kung naging matapang lang sana ako hindi 'to mangyayari sa kaniya. Sana kasama ko siya at masaya kami. Kaso naging mahina ako noon.



Marami nang nagbago sa buhay ko. Graduating student na ako ngayon. Ang bilis lang ng panahon. Nasanay na rin ako sa totoo kong tatay. Masaya ako pero kahit ganoon may kulang parin. Ang wish ko lang naman na kapag gumraduate ako, gising na si Spade. Gusto ko siyang makasama.



May nagbabantay naman kay Spade kapag wala ako. Ang tita niya. Mabuti at nahanap ito ni dad. Atleast hindi nag-iisa si Spade.



"Tita Tessie, mauuna na po ako. Babalik nalang po ulit ako." Sabi ko pagkarating ni tita Tessie. Ayaw ko pa pero kailangan. Babawi naman ako kay Spade.



"O sige iha, mag iingat ka. Salamat ha?" Ngiti ang itinugon ko at yumakap pa bago ako umalis."



***


Sinabi ko sa sarili ko noon na never kong gagawin ang bagay na 'to. Hinding-hindi dahil alam kong sila naman ang sumira sa buhay ko. Pero hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Dito sa kulungan. Sa kulungan kung nasaan ngayon angm mga kinilala kong magulang.



"Maupo ka muna diyan, miss." Sabi sa akin ng pulis at tumango lang ako.

ALONE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon