Chapter 7

47 3 0
                                    


A/N: Hi again readers! Gusto ko lang humingi ng pasensya kasi hindi ako nakapag update. Sobrang busy lang po talaga. Sana maintindihan niyo. And hanggang ngayon masaya ako kasi kahit papaano may nagbabasa netong kwento ko. Pero sana just vote & comment rin po para mas lalo akong ganahan. Yun lang po pakiusap ko sa inyo. Kamsahamnida in advance! :)
--


"Crystal, nasaan na ang perang kinita mo?" Tanong ni mama. Mabagal ko iyong iniabot sa kanya. Bigla niya iyong hinalbot sa akin at binilang. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.



"Bakit 800 lang 'to?! Nakaka isang libo ka naman at mahigit pa doon diba?!" Galit niyang tanong. Napayuko ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na binawasan ko ang pera dahil maraming pinapagawang projects sa school.

"TINATANONG KITA KAYA SUMAGOT KA. BAKIT 800 LANG 'TO?" Iniangat ko ang ulo ko at tumingin kay mama. Nararamdaman kong nagpipigil lang siya sa akin.


"K-kasi p-po, a-ano m-ma.. k-kasi ano, kasi.."

Bigla niyang hinampas ng malakas ang lamesa kaya nagulat ako sa ginawa niya. Nandito kasi kami sa kusina ngayon.


"AYUSIN MO PANANALITA MO. SUMAGOT KA NG MAAYOS. HINDI KA NAMAN BOBO DIBA? NAG AARAL KA NGA E. AYUSIN MO SAGOT MO."


Napapikit ako at tumungo. Kasabay nun ay sumagot na ako. Di bale nalang na mapagalitan kaysa magsinungaling. Yun nga lang, alam ko na makakatanggap na naman ako ng sigaw, at pananakit galing kay mama.

"K-kasi po! Yung 300 kinuha ko po. M-marami po kasing projects sa school kaya--"

"Hayop ka talagang bata ka." Gigil niyang sabi sa akin. Napailing siya at nagulat ako ng hilahin niya ang buhok ko.


"M-ma! T-tama n-na po!" Naiiyak kong sabi. Itinulak niya ako ng malakas kaya natumba ako sa sahig. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak.

"HAYOP KANG BATA KA! NAPAG USAPAN NA NATIN 'TO DIBA? HA? IKAW NA MISMO NAGSABI NA IBIBIGAY MO YUNG KINITA MO SA PAGTITINDA NG ISDA SA AKIN. PERO ANONG GINAWA MO NGAYON? KINAIN MO LANG YUNG MGA SINABI MO!"

"S-sorry p-po m-ma!" Umiiyak kong sabi habang nakatungo. Napahawak agad ako sa ulo ko ng ibato niya ang plato sa akin.



"WALA KANG KWENTA! DAHIL SA PESTENG PAG AARAL NA 'YAN, PATI YUNG PERA NA BINIBIGAY MO SAKIN NAGKUKULANG NA!" Sigaw niya pa sa akin.

"Ano na naman bang problema Carla? Sumisigaw kana naman diyan! Kumalma ka nga!" Napalingon ako kay Papa na kakarating lang. Nakikita ko sa mukha niya ang pagkairita kay mama.


"Ito ang pagsabihan mo Richard!" Sabi ni mama kay papa at dinuro ako. Napailing nalang si papa.

"Bakit na naman ba?" Tanong ni papa at lumapit kay mama.

"PAANO BA NAMAN KASI, YUNG PERANG KINIKITA NIYA SA PAGTITINDA NG ISDA E BINAWASAN NIYA. SINONG HINDI MABIBWISET DOON?!" Hysterical na sabi ni mama kay papa. Nananatili akong nakatungo at humihikbi.


"Tsk. Manahimik kana. Puro kana lang sigaw. Mahiya ka sa mga kapit bahay natin!" Sabi ni papa kay mama. Agad naman siyang hinampas ni mama at kinurot.


"Aba! At talagang sa lagay na 'yan ay may hiya ka pa pala?!" Inis na tanong ni mama kay papa at tumingin sa akin.

"Ikaw bata ka, sa susunod na magbigay ka sakin kailangan lagpas isang libo 'yan dahil kung hindi, malilintikan ka talaga sa akin!" Sabi ni mama at padabog na umalis sa kusina.

"Tumayo kana nga diyan! Alam mo naman ang nanay mo, walang preno ang bibig niyan. Ikaw rin kasi ang may kasalanan. Nag aaral ka pa, ano bang mapapala mo diyan? Tsk." Sabi ni papa at umalis na rin.



ALONE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon