Third Person's POV
Kasalukuyang pinaghahanap na ngayon ang kumidnap noon kay Crystal na walang iba kundi si Richard. Samantala, nakakulong naman si Carla na siyang asawa nito. Galit na galit ito at gustong umalis. Tila nabaliw na ito. Nalaman na din ng mga pulis na nagbebenta 'to ng droga.
Si Spade naman ay walang pakialam kahit mapuyat basta masigurado niyang ligtas si Crystal. Hanggang ngayon parin kasi ay hindi pa 'to pinapayagang lumabas dahil nanghihina pa ito.
Ang hindi nila alam, nagpaplano na si Richard na patayin si Crystal. Napag alaman niyang nasa hospital ito at kasalukuyang nagpapagaling.
"Crystal. Bibili lang ako ng makakain mo ha. Ayaw sana kitang iwanan pero ang tagal dumating nung pagkain mo e." Sabi ni Spade kay Crystal. Dapat ay may naghahatid na ngayon ng pagkain kay Crystal pero hanggang ngayon ay wala parin.
"Sige na. Ayos lang naman ako. Huwag ka nang mag alala." Nakangiting sabi ni Crystal. Tumango nalang si Spade at pinisil ang kamay ni Crystal bago lumabas ng kwarto.
Nang makaalis si Spade. Mga limang minuto palang ang nakalilipas ng may pumasok. Napag alam niyang nurse ito at may dalang pagkain.
"Eto na yung pagkain mo... Crystal."
Nanlaki ang mata ni Crystal ng makilala niya kung sino ito.
Crystal's POV
"Eto na yung pagkain mo... Crystal."
Napakunot ang noo ko at napatingin sa nurse. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito.
"P-papa...?" Naluluha niyang sabi. Ngumisi ito sa kanya.
"Kamusta naman ang magaling kong anak?" Nakangisi siya sakin. Kinakabahan ako sa paraan ng titig niya. Alam ko na rin na pinaghahahanap na siya ngayon ng pulis.
"S-sumuko k-kana pa.." Nauutal kong sabi. Yun lang ang paraan para mapagbayaran niya ang mga kasalanang ginawa niya sa akin.
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin ng mabilis at sinakal ako.
"Hindi ako susuko! Isasama kita! Ilalayo kita sa totoo mong pamilya! Naiintindihan mo? Hindi ka pwedeng magsaya habang kami nagluluksa ni Carla!" Galit niyang sabi at mas diniinan ang pagkakasakal sa akin.
"P-papa.. T-tama na--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng sikmuraan niya ako at doon nagdilim ang paningin ko.
***
Nagising ako na nasa ibang lugar ako. Anong lugar 'to?
Kubo?
Madilim. Pero dahil sanay ang mata ko sa dilim, nakikita ko ang mga sulok. Tama. Kubo nga ito. Pero paanong nakapunta ako dito?
Napalingon ako sa bandang unahan nang bumukas ito at sumilay ang liwanag.
Pero napaawang ang bibig ko sa nakita kong dumating.
Spade's POV
Nang makabili ako ay dali dali akong naglakad pabalik. Nagulat ako dahil nagkakagulo ang mga tao maging ang mga nurse. Kaya naman hindi ko naiwasang magtanong sa isang babae na nasa 40 ang edad.
![](https://img.wattpad.com/cover/152916470-288-k442041.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone