"Itatakas? Paano?! Baka madamay ka pa!" Natataranta kong sabi. Umirap siya sa akin.
"Wala ka bang tiwala sa akin? Akong bahala. Basta ipangako mo lang na kapag naitakas na kita, huwag ka ng babalik pa."
Marahan akong tumango sa sinabi niya.
"P-pero.. si mama." Sambit ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Bakit ka ba ipinasok ng nanay mo dito? Napakawalang kwenta niya naman." Sabi niya sa akin. Napayuko ako. Ako ang nahihiya.
"Dahil para magkapera.. Naiintindihan ko naman yun. Kaso, hindi sa ganitong trabaho. Hindi ako sanay at ayoko dito. Gusto kong matulungan sila mama at papa para magkapera."
Nginisian niya ako.
"Dapat sa nanay mo? Ipinapakulong." Sabi niya. Hindi nalang ako sumagot.
"Pero.. bakit ka pumasok dito?" Hindi ko na control ang sarili ko sa pagtatanong. Nakakainis!
"A-ah ano huwag mo nalang pansi--" Hindi ko na naituloy dahil nagsalita na rin siya.
"Katulad mo, ipinasok din ako ng nanay ko. Kinamumuhian ko siya. Hindi ko siya mapapatawad." Galit niyang pagkekwento sa akin.
"Kung ganon.. bakit hindi kana lang umalis? Nasaan na ba ang nanay mo?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Intindihin mo nalang sarili mo. Huwag mo nalang akong pakialaman. Kahit naman tangkain kong umalis, hindi na ako makakaalis. Dito, dito ako nagkaroon ng pamilya. TOTOONG PAMILYA. Si tita Crisele ang tumayong nanay at tatay ko simula ng ipasok ako ng nanay ko dito. At simula nun, hindi na siya bumalik."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Umalis na siya at naiwan akong natulala sa sinasabi niya.
May pinagdadaanan pala siya. Tama, lahat nga ng tao may pinagdadaanan. Sadyang hindi mo lang 'to mahahalata kasi nagpapanggap silang okay at masaya, kahit ang totoo.. hindi naman talaga.
---
"Crystal? Ayos ka lang ba? Bakit ka ba ikot ng ikot? Nahihilo na ako sayong bata ka."
Taranta akong tumingin kay ate Kayla. Sasabihin ko ba? Kaso paano kung magalit si Chesca? Pero.. mabait si ate Kayla. May tiwala ako sa kanya..
"Ate, aalis na ako dito. Tatakas ako."
Nagulat naman siya sinabi ko. Napatayo siya at hinawakan ang dalawang balikat ko.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Mapapahamak ka sa gagawin mo, Crystal! Makinig ka sakin. Hindi ka tatakas."
"Pero ate! Ayoko na dito. Gusto ko ng bumalik sa bahay namin. Gusto kong maging normal lang ako. Ayoko dito." Naiiyak kong sabi.
Sumeryoso ang mukha niya.
"Sa tingin mo ba kapag nakauwi ka hindi magagalit ang nanay mo? Tandaan mo Crystal, siya ang nagpasok sayo dito at sa oras na bumalik ka sa bahay niyo, siguradong magagalit siya sayo at baka kung ano pang magawa niya kaya please lang! Makinig ka!"
Bakit nahihirapan ako magdesisyon? Tama nga ba na tumakas ako? Tama bang sundi ko ang sinasabi ng isip ko? Tama bang unahin ko muna ang sarili ko?? Naguguluhan ako!
Ang pinaplanong pagtakas ay hindi natuloy dahil kay.. Chesca. Akala ko ay tutulungan niya ako pero hindi pala. Sinabi niya kay tita Crisele na balak kong tumakas at nagalit siya sa akin kaya namn ikinulong ako ni tita sa kwarto.
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone
