Chapter 3

83 5 0
                                    

A/N: Hi readers! Thankyou dahil binasa niyo 'to! Na appreciate ko talaga. And sana do voteeeeee :/ gomawo! Pasensya na kung hindi kagandahan, and take note! Complicated talaga mga ganap dito. Once again, thankyou & Godbless for reading my story ♡


--






Nakahanap na ako ng pwede ko pang mapagkakitaan at yun ay ang maging tagapaghugas sa isang karinderya na hindi kalayuan samin. Sikat ang karinderya na 'yon dahil ang may ari nun ay masasarap magluto. Na namana pa nila sa mga lolo't lola nila noon. Kada isang araw, 100 ang bayad sakin. Kapag daw mabilis ako at magaling maghugas ng pinggan, duon nila tataasan ang sahod ko. At isa pa, kailangan muna na masanay ako duon. Kaya naman kailangan talaga mabilis at maingat ako. Tsaka sanay na naman ako sa paghuhugas ng pinggan.






Hindi ko na sinabi kay mama ang pinasukan kong trabaho dahil alam kong wala naman siyang pakialam. Basta alam niya, may trabaho naman ako. Naisip ko rin na hindi kakasya ang 100 pesos kada araw para sa pagpasok ko. Kaya naman ay naisip ko na yung mga napagbentahan ko sa pagbebenta ng isda ay kukuhanan ko. Tapos yung kalahati, kay mama mapupunta.







Papunta ako ngayon sa karinderya. Medyo malayo ito samin pero kaya namang lakarin. Naglakad nalang ako para tipid. Tapos na rin ako magbenta kanina ng isda. Hindi man lang umabot ng isang libo ang benta ko kaya naman nagalit pa si mama sakin ng ibigay ko sa kanya ang napagbentahan ko.






"Magandang umaga po Madam Lucy!" Bati ko sa may ari ng karinderya. Siya ang pinaka head, katulong niya yung tatlo niyang anak dito sa karinderya. Napakasarap niyang magluto. Nung isang araw kasi ng magpunta ako dito dahil ito ang napili kong pagtrabahuhan, sakto naghahanap sila ng isa pang dishwasher. Mabuti at napili nila ako. Pinatikim ako ni Madam Lucy ng isa sa mga best seller nila na "adobo" Sobrang sarap ng pagkakaluto at talaga namang hahanap hanapin ng karamihan.





"Oh, ang aga mo naman Crystal. Pero mabuti na yan iha. Mabuti ka pa maaga. Dapat palaging maaga na nandito ha. Ngayon ang unang araw mo kaya dapat mabilis ang kilos. Huwag kang mag alala, libre naman ang pagkain mo dito." Nakangiting sabi sakin ni Madam. Madam ang tawag sa kanya dito kaya ganun nalang rin ang tawag ko sa kanya.





"Sige po." Sabi ko. Dinala niya ako sa may lababo sa may kusina banda. Pinagsuot niya ako ng net na para sa ulo para hindi daw magulo ang hitsura o maging haggard. Gusto kasi ni Madam na malinis ang bawat nagtatrabaho sa kanya.






"Kumain kana ba iha? Kumain kana muna habang wala pang masyadong customer."






"Ah ano po.. hindi po ba nakakahiya? Tsaka hindi pa po ako nagtatrabah--"





"Oh ano naman iha? Halata naman sayo na hindi ka pa nag aalmusal. Teka ilang taon kana ulit?"





"17 na po." Sabi ko.





"Oh, 17? Ibig sabihin SH kana? Nakakatuwa ka naman, ang sipag mo. Mahirap ang maging working student ano."




Napatungo ako. "A-ah ano po.. hindi pa po ako nagsisimula na mag aral ngayong SH. Wala po kasi akong pera. Pero may napuntahan na po akong school at tinulungan ako nung Principal na maging scholar. Ang kailangan ko nalang ay yung gamit sa school.."






"Hala, ganoon ba? O sige. Basta galingan mo lang magtrabaho tataasan ko yung sahod mo. Para naman diba makatulong 'tong trabaho mo para sa pag aaral mo diba."





Nag angat ako ng ulo at ngumiti. "Maraming maraming salamat po!"







At duon nga, nagsimula na ako maghugas ng pinggan. Kasi dumarami na yung mga kumakain sa karinderya at kailangan magmadali narin ako. Isa nalang pala yung naghuhuhas ng pinggan dito noon dahil nag resign na yung isa. At mabuti nalang daw nakahanap ulit sila at ako yun.






ALONE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon