"Ma? A-ano pong ginagawa natin dito?" Gulat kong tanong. Anong ginagawa namin dito sa bar?
"Dito ka magtatrabaho. Naiintindihan mo? At isa pa, malaki at madali kang kikita. Sasayaw ka lang, may pera kana agad! Kesa naman sa magtinda ka at magtrabaho sa karinderya e di parin nasapat yung pera na binibigay mo samin!"
Akma niya akong hihilahin pero binawi ko agad ang kamay ko sa kanya. Hindi. Ayoko ng ganito.
"Ma, ayoko po dito. Hindi po ako papasok sa ganito." Sabi ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin at kinurot ang tagiliran ko.
"HINDI PWEDE! Nandito na tayo! Naghihintay ang kaibigan ko dito. Huwag kang mag inarte pwede ba?!" Galit niyang sabi at hinila na ako papasok sa loob ng bar. At kahit ayoko, wala akong nagawa.
Sumalubong samin ang usok, ang mga lalaking nakaupo sa kani-kanilang upuan at nanonood sa mga babaeng sumasayaw sa stage. Napangiwi ako ng makita ang suot nila. Hindi ako papayag na magsuot ng ganyan!
"Ma, umuwi na po tayo. Ayoko po dito." Malakas kong sabi pero hindi sumagot si mama at nagbingi-bingihan lamang. At isa pa, maingay dito.
Hinatak niya ako at pumunta kami sa isang kwarto at mayroong mga babae duon na mukhang mga sasayaw at ang isang babae na mukhang siyang manager ng mga 'to.
"Crisele!" Tawag ni mama doon sa babae. Lumingon ito sa amin at nagulat at tsaka napangiti. Ibig sabihin, siya ang may ari ng bar na ito.
"Aba! Mabuti naman nandito na kayo. Saglit lang, maupo muna kayo at pagsasabihan ko lang 'tong mga 'to." Sabi niya sa amin at ang tinutukoy niya ay ang mga naggagandahang babae na hindi naman nalalayo sa edad ko.
Maya maya pa, ay lumabas na rin ang mga ito at ang tanging naiwan dito sa loob ay kaming tatlo. Kinakabahan ako.
"Napakaganda naman pala ng anak mo, Carla." Sabi ni Tita Crisele kay mama at tumingin sa akin tsaka ngumiti. Ngumiti ako ng pilit.
Nagsimula na silang magkwentuhan at pag usapan ang tungkol sa pagpasok ko dito. Gusto kong tumutol pero wala akong magawa. Gusto kong makatakas. Ang hirap!
"Crisele, ikaw na bahala sa anak ko ha? At ako'y uuwi na. Huwag kang mag alala, mas lalong lalaki kita mo dahil diyan sa anak ko." Sabi ni mama kay Tita Crisele at tumayo na.
Agad akong lumapit kay mama at kinausap siya.
"Ma! Ma, ayoko dito. Ma please naman. Ayoko dito!! Hindi ko kaya--"
"MANAHIMIK KA."
"Dapat nga at magpasalamat ka pa dahil malaki ang kikitain mo dito. Huwag kang gagawa ng katarantaduhan ha?! Naiintindiham mo? Sa takot ko ay napatango nalang ako ng wala sa oras.
Nang makaalis si mama ay napatulo nalang ang luha ko. Ayoko talaga dito.
"Iha, ang ganda mo talaga. Mabuti nalang at ipinasok ka dito ng mama mo. Sigurado akong kikita ka ng marami dito." Nakangiting sabi ni tita Crisele.
"Ayoko ho dito." Sabi ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko. Ano bang akala niya? Na gusto ko rito? Hindi.
"Iha.. hindi ka naman mababastos dito. Sasayaw ka lang pagkatapos, tapos na! Madali nalang ang trabaho mo. Kesa naman mahirapan ka sa pagtitinda mo araw araw--"
"Mas gugustuhin ko pa pong magtinda kaysa magtrabaho ng hindi naman marangal. Pasensya na po pero ayoko po talaga dito." Buong tapang kong sabi at balak na sanang lumabas pero pinigilan niya ako.
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone