Lunes. Simula na ng pasukan. Maaga akong umalis sa bahay para pumasok ng maaga. Masaya ako dahil makakapasok na ako, kinakabahan naman dahil sa magiging mga kaklase ko. Paano kung wala akong maging kaibigan? Pero sabagay, sanay naman ako doon. Yun nga lang, sana magkaroon na ako ng kaibigan. Ang hirap din na mag isa. Mahirap na magpanggap na maayos ka kahit ang totoo, hindi naman talaga.
Nang makapasok ako, pinagtitinginan na agad ako. Nginitian ko sila pero hindi nila ako nginitian, sa halip inirapan ako ng iba at pinagtawanan rin ng iba pa. Hindi ko nalang pinansin.
Naghanap ako ng mapapagtanungan kung saan makikita ang list ng mga sections. Nakita ko ang isang babaeng nakaupo sa may lobby. Lumapit ako sa kanya. Mukha naman siyang nagulat.
"Uhh, ano hi. Pwede ba magtanong? Saan makikita yung list ng mga sections?" Tanong ko. Ngumisi siya sakin. Anong meron?
"Huwag ako ang tanungin mo. Bago lang rin ako dito." Sabi niya at tsaka umalis.
Naghanap nalang ako ng ibang mapagtatanungan. Hindi ko naman sinasadya na may mabunggo ako. Kita ko ang galit sa mukha ng babaeng nabunggo ko.
"What the hell! Are you blind? Can't you see me huh?! Stupid!" Galit niyang sabi at tinulak ako ng malakas kaya naman napaupo ako sa sahig. Nagtawanan naman ang mga schoolmates ko na nasa paligid lang. Yung iba walang reaction. Nananatili lang silang nakatingin sa amin.
Tumayo ako at yumuko. "Sorry, hindi ko sinasadya." Hingi ko ng paumanhin.
"Tch! Bago ka lang dito ano?" Tanong niya. Tumango naman ako. Napairap siya sakin.
"Okay, 1st offense. Kapag nakatatlo ka sakin, ihanda mo na sarili mo." Sabi niya. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad pero hindi pa siya nakakalayo ng humarap siya ulit sakin at nagsalita.
"By the way, I'm Arianna. Remember my name, stupid." Sabi niya at tuluyan ng umalis. Napa "woah" naman ang mga taong nasa paligid ko.
Dahil sa kahihiyan na inabot ko, agad agad akong umalis. Hindi nagtagal nahanap ko na yung list ng mga sections. Nasa bulletin board lang pala. Hindi ko naman naikot ang university na 'to. Ang laki nito. At isa pa, hindi ako matandain sa mga lugar.
Sa 3rd floor ang room ko. Nagpunta na ako sa 3rd floor. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang room ko dahil may name ng section na nakalagay.
"Crystal, kaya mo 'to." Sabi ko sa sarili ko at huminga ng malalim tsaka pumasok.
Tumahimik ng bigla akong pumasok. Marami na sila at mukhang ako nalang ata ang kulang. Maski ang prof namin ay nandun na rin.
"Come here iha." Sabi sakin ng prof namin at sinenyasan akong lumapit sa tabi niya.
Ito ang pinakaayaw ko, ang magpakilala.
"Introduce yourself iha." Nakangiting sabi sakin ng prof namin. Ayoko sana pero ayoko ring mag inarte. Hays, bahala na. Lalakasan ko nalang ang loob ko.
"H-hi everyone.. I'm C--"
"HAHAHAHAHA"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil may nagtawanan.
"Ssh! Quiet class! 'Yan ba ang itinuturo dito ha? Ang maging bastos?" Sermon ng prof namin dun sa tatlong lalaki na nagtawanan.
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone