Chapter 8

38 4 0
                                    

"Is she okay?"

"Yes, may trangkaso lang talaga siya."

"Okay. Gawin niyo ang lahat para lang maging okay siya. I need to go."

"Sure. You can go."

"And nurse.."

"Yes?"

"Huwag mo sabihin kung sinong nagdala sa kanya dito."

"Okay."



Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Malabo pa sa una hanggang sa luminaw na. Puti agad ang nakita ko. Tinignan ko ang kabuuan at napag alaman kong nasa clinic pala ako.


Teka.. anong nangyari?


Inalala ko ang mga nangyari. Nang maalala ko ay dali dali agad akong bumangon pero bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sa sakit.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin nung nurse na nakatayo pala sa gilid ko. Hindi ako nakasagot. Sobrang sakit ng ulo ko.

"Teka, ikukuha kita ng pagkain at ng gamot." Sabi niya at lumabas sandali. Minabuti ko munang humiga. Baka kasi sakaling mahimasmasan ako at mawala ang sakit ng ulo ko.

Kinapa kapa ko ang leeg ko. Sobrang init ko pala. Napapikit nalang ako dahil masama talaga ang pakiramdam ko.

Nasa loob ako ng isang kwarto na kung saan may apat na kama. Magkakahilaway. May kurtina sa left side ko. At sa kabila nun ay yung kama. Malaki ang clinic sa pagkakaalam ko. Nung una ko kasing makita ang clinic ay kita kong malaki at malawak 'to. Siguro doon sa labas nakalagay ang mga gamot at ibp.


Gusto kong pumasok pero masama talaga ang pakiramdam ko. Bakit ba kasi ako nagkasakit pa? Hindi naman ako ganito ah? Bihira lang ako magkaroon ng lagnat, at ngayon.. mas malala.


Maya maya pa ay bumalik na ang nurse at may itinutulak siya ( na parang lalagyan ng pagkain or gamot ) sa ibabaw nun ay may pagkain at gamot.


"Ichecheck ko muna ang body temperature mo, at pagtapos nun kumain kana para makainom ka ng gamot." Sabi ng nurse sa akin. Mukha siyang nasa 20+ palang.


Ailyn C. Mendoza



Iyan ang pangalan niya na nakalagay sa tag niya sa right side sa bandang chest niya.


Kinuha niya ang thermometer at inilagay iyon sa bunganga ko. Nang tumunog na ay kinuha niya iyon at tinignan.


Nakatingin ako sa kanya at napailing siya. Tumingin siya sa akin at nagsalita.


"Ang taas ng lagnat mo Crystal." Sabi niya sa akin at ipinakita kung anong result.

Pagkatapos nun, ay itinayo niya yung parang tray na nakakabit sa kama. ( yung sa hospital ) Doon niya nilagay yung pagkain. Soup at isang basong tubig.

Nanghihina man ay kumain parin ako. Ang hirap kapag may sakit. Hindi ka makakakilos ng maayos. Kahit mahirap, pinilit ko nalang na ubusin yun. Maski ang isang basong tubig ay inubos ko talaga. Kailangan kong magpalakas.


Nang matapos ako kumain ay pinainom na niya ako ng gamot. Ilalabas na sana niya yung pinagkainan ko ng tawagin ko siya.


"Yes?"

"Ano po.. kilala niyo po ba kung sinong nagdala sa akin dito?" Tanong ko.

"Mga guard. Nakita ka nung isang guard na walang malay sa labas ng room niyo. Kaya ayun, dinala ka niya dito. Bakit Crystal?" Umiling nalang ako at nagpasalamat. Nang makaalis siya ay ipinikit ko nalang ang mata ko.


ALONE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon