Chapter 12

50 4 0
                                        



Nang makauwi ako sa bahay, sumalubong sa akin si mama na nag-eempake at tarantang taranta. Nang makita niya ako ay agad niya akong sinampal.




"Hayop kang bata ka! Ang lakas ng loob mong magsumbong! Uubra ka ba sa akin?!" Galit na sabi niya sakin. Napaiyak naman ako sa harapan niya at akma ko siyang lalapitan ng biglang itulak niya ako ng malakas at tumama ang ulo ko sa lamesa at doon na nagdilim ang paningin ko.





Third Person's POV




Nataranta si Carla ng makitang duguan si Crystal. Dali dali niyang kinuha ang bag at akmang tatakas ng magdatingan ang mga pulis. Napataas naman agad siya ng kamay dahil sa takot.



"Wala akong kasalanan! Anong gagawin ninyo?!" Tanong niya kahit pa alam naman niya talaga ang nangyayari. Pilit niyang itinatanggi na may ginawa siya kahit ang totoo ay meron.




"Tulong! Merong duguang babae dito." Sigaw ng isang pulis na nasa loob na ng bahay nila Crystal. Mas lalong nangamba si Carla kaya naman tinadyakan niya ang pulis at tumakbo siya ng mabilis ngunit mabilis siyang binaril ng isa pang pulis sa binti kaya napatigil sya sa pagtakbo at daliang hinuli na siya nito.




"Ano ba?! Sabing wala akong kasalanan!" Sigaw ni Carla sa mga pulis. Ipinasok siya ng mga ito sa sasakyan.




"Hindi kami tanga. Umamin na ang anak mo. Hindi ka makakatakas sa batas." Sabi sa kanya ng pulis. Naikuyom nalang niya ang kamao at galit na galit siya kay Crystal.



"Sana ay mamatay na siya!" Galit niyang sabi sa isip niya.



Samantala, agad namang isinugod sa hospital si Crystal. Mabuti at naasikaso naman agad siya ng mga nurse. Hindi naman malala ang nangyari dito pero kailangan nitong magpagaling.





Walang bantay ito pero dumating muli ang lalaki. Ang lalaking hindi niya alam ay siyang nagbabantay sa kanya palagi. Ang lalaking kaibigan niya noon ngunit hindi na niya naaalala ngayon. Ngunit ganon pa man, umaasa siyang makikilala siya ni Crystal. Sayang lang at hindi sila nagsama ng matagal na panahon pero ngayon, ay handa na siyang sabihin dito ang totoo at kung sino siya. Ang totoong siya.





Dahan-dahang iminulat ni Crystal ang mga mata niya. Agad niyang napansin ang isang lalaki na nakatungo sa kama niya at mukhang natutulog. Nakilala niya agad ito.





Ito ang lalaking tumulong sa kanya at gusto siyang paalisin sa bar. Hindi niya alam kung paano niya ito gigisingin. Basta, masaya siya at nakakahinga ng maluwag. Panigurado ay nasa presinto ang ina niya. Kahit sinaktan siya nito, mahal parin niya ito sa kabila ng mga ginawa nito sa kanya.




Dahan dahan siyang bumangon at napadaing sya sabay hawak sa ulo niya. Bigla niyang naalala na nauntog siya sa lamesa ng pagkalakas lakas dahil itinulak siya ng ina niya.





"C-crystal." Banggit ng lalaki ng makitang gising na siya.




"B-bakit ka ba.. n-nandito? Baka hinahanap kana sa inyo.. Ayos lang naman ako kahit walang magbantay sa akin." Nahihiyang sabi niya sa lalaki. Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.




Nagulat naman si Crystal at nakaramdam ng saya.




"Mukhang kailangan ko ng ipakilala ang tunay mong pamilya. Matagal ka na nilang hinahanap."




"ANO?!" Gulat niyang tanong.




"A-anong ibig mong.. s-sabihin?" Nauutal pa niyang tanong.




ALONE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon