Chapter 4

69 5 0
                                    

"Behind my smile is everything you'll never understand."
--


"Crystal! Isang kanin pa daw!" Sigaw ni Madam Lucy. Dali dali akong kumuha ng platito at naglagay ng isag cup ng kanin at dali daling dinala yun sa babaeng nakataas ang kamay.



Mag iisang linggo palang akong nagtatrabaho dito sa karinderya ni Madam Lucy at dalawa na ang trabaho ko. Naghuhugas ng pinggan at nagpapaka waiter na rin. Pumayag naman si Madam dahil ayaw niya na rin magdadag ng iba pang nagtatrabaho sa kanya. Tama na daw na kami lang.



"Miss! Yung sinigang ko nasaan na?!" Sigaw nung lalaking nakaupo sa hindi kalayuan. Mukhang iritang irita na siya. Dali dali ako naglagay ng sinigang sa mangkok at nilagay yun sa tray. Dahil sa pagmamadali ko, nabuhos ko sa babaeng kakatayo pa lamang. Napasigaw siya at ako naman ay gulat na gulat.


"Sorry po! Sorry! Hindi ko po sinasad--"



*PAK!*


Nasapo ko ang kaliwang pisngi ko. Oo kasalanan ko pero bakit parang sobra naman?


"How dare you! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" Galit niyang tanong sakin. Nakaagaw na kami ng atensyon. Yung iba nagbubulung-bulungan. Ako naman hiyang hiya. Ang tanga tanga ko kasi.




Lumapit naman si Madam sa amin at pinakalma yung babae. Ako naman nananatiling nakayuko dahil sa kahihiyan.



"Ako na ang humihinga dispensa. Sisiguraduhin kong hindi na 'to mauulit." Sabi ni Madam dun sa babae.



"Aba! Dapat lang! Kung hindi, hindi na ako bibili o kakain dito!" Galit na sabi nung babae kay Madam at bumaling sa akin.



"Ikaw babae ka, sa susunod huwag kang tatanga tanga. Naiintindihan mo?!"


Tumango ako ng paulit ulit at humingi ng paumanhin.



"Bwisit!" Inis niyang sabi at bumaling kay Madam. "Oh, eto bayad ko! Keep the change!" Sabi pa niya at tsaka umalis.



Humarap ako kay Madam at humingi ng paumanhin.



"Sige na, kumuha kana lang ng panibago at ibigay mo na dun sa mama. Kanina pa naghihintay yun." Tumango ako at dali dali na ulit kumuha.





***
Maghahapon na at nagdesisyon akong mamili na ng gamit para sa pagpasok ko sa lunes. Sabado ngayon at kailangan ko na mamili. Dala ko ang isang libo at kailangan magkasya ang mga dapat kong bilhin. Nasabi sa akin ng principal na binder daw ang ginagamit sa Silver Univ kapag SH hanggang college. Hindi ko alam kung magkano yun pero sana ay hindi mahal. Kailangan ko pa bumili ng sapatos na may takong. Hindi na raw pwede ang flats.




Hawak na hawak ko mabuti ang bag ko. Nanduon kasi ang wallet ko at isang libo ang nanduon. Papunta ako ngayong Divisoria.



Habang nakasakay ako sa jeep iniisip ko na ang mga mangyayari sa pagpasok ko sa school. Sana naman ay may mabait dun at maging kaibigan ko. Nahihiya kasi ako na mag approach. Ewan ko ba.




Nakatatlong sakay ako ng jeep bago ako makarating sa Divisoria. As usual, maraming tao lalo na't magpapasukan. Nakalagay sa harapan ang bag ko at yakap yakap ko. Maraming magnanakaw dito, yun ang pagkakaalam ko. Mahirap na at baka mawala ang isang libo ko. Inipon ko din to.




At dahil kailangan kong i budget ang isang libong dala ko, Isang binder, tatlong ballpen na magkakaiba ang kulay, dalawang lapis, isang pantasa, at isang correction ang binili ko. Bumili rin ako ng yellow pad dahil kailangan din yun. Mabuti nalang din at pwede mag civillan kapag transferee.




ALONE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon