"SAAN KA GALING?"
Nagulat ako ng maabutan ko si mama na nasa sala at nakaupo sa sofa. Hindi siya nakatingin sa akin, dahil sa cellphone niya siya nakatutok. Pero ramdam niya na ang pagdating ko.
"S-sa ano po.."
"Ano? Saan?"
Normal lang ang boses niya pero kinakabahan ako sa isasagot niya kapag nalaman niyang nanggaling ako sa school na pinag aaralan ng anak ni Aling Josie.
"HOY, TINATANONG KITA. SAAN KA KAKO GALING?"
At duon na siya tumingin sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.
"A-ano po ma.. naghanap ako ng pwede ko pang pagkakitaan at--"
"Bakit? Hindi pa ba sapat 'yang pagtitinda mo sa palengke ha? Kulang pa ba? Diba nakaka isang libo ka naman?"
Napayuko ako.
"KINAKAUSAP KITANG BATA KA KAYA UMAYOS KA."
"Ma, kaya rin ako naghanap ng ibang mapagkakakitaan dahil..."
"LECHE KANG BATA KA, HUWAG MO AKONG BITININ DIYAN SA SINASABI MO!" Sigaw niya sakin.
"K-kasi ma, p-para sa.. pag aaral ko!"
Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa kaba. Nagulat ako ng ibato niya sakin yung unan at agad akong natamaan.
"HINDI KA BA TALAGA TITIGIL DIYAN SA KAHIBANGAN MO HA?!" Galit niyang tanong sakin at agad lumapit sakin at sinampal sampal ako. Hindi ko napigilan ang mga luha ko na agad nagsituluan.
"M-ma, hindi naman ako hihingi sa'yo ng kahit ano basta payagan mo lang ako mag aral. M-ma.. s-sige na po.."
"AT SAAN KA NAMAN KUKUHA NG PANGBAYAD SA TUITION MO HA?! HUWAG MO KONG MADAAN DIYAN SA PAGPAPAAWA MO!"
"N-naghanap n-naman po ako ng pwede p-pang mapagkakakitaan po eh. Duon ko po kukunin yung pangbabayad. Iipunin ko po--"
"AT PAANO KAMI NG PAPA MO? HA? ANO? UUNAHIN MO 'YANG LINTEK NA PAG AARAL NA 'YAN KESA SA AMIN?"
Tumulo ulit ang mga luha ko pero mabilis ko yong pinunasan.
"M-ma, y-yung kita po sa pagtitinda ko ng isa.. yun po ibibigay ko sa inyo. H-huwag kayong mag alala ma.. Hindi po ako hihingi ng kahit ano sa inyo.."
"ABA DAPAT LANG!" Irita niyang sabi sa akin.
"SUBUKAN MO LANG HINDI MAGBIGAY SAMIN NG PAPA MO, MALILINTIKAN KA." Sabi niya at umalis na sa harapan ko at dumiretso na sa kwarto.
Napaupo nalang ako sa sahig at napaiyak. Bakit ganun? Masama bang mag aral? Bakit ba ganito siya lagi sakin? Ang sakit sakit na talaga. Malapit na.. malapit na talaga akong maniwala na hindi niya ako mahal. Na hindi niya ako tinuturing na anak.
To be honest, mahirap magpanggap na hindi nasasaktan. Yung kahit anong pagpapanggap ko na okay lang ako, wala e. Minsan parang iniisip ko na sumuko nalang kaso naiisip ko rin na sayang naman 'tong buhay na pinahiram sakin ng Diyos. Marami pa akong dapat gawin at isa na dun ang makapagtapos ng pag aaral. Para naman may maipagmalaki ako sa magulang ko..
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone