Last Chapter
~•~
Nagulat ako ng biglang bumagsak ang katawan ni Carla sa lupa.
Tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi pwedeng mangyari 'to!
"Carla? Gumising ka!" Sigaw ko habang pinipilit ko siyang gisingin pero ang mata niya ay nananatiling nakapikit at ang katawan niya ay wala ng buhay.
"Bobo! Patay na! Manhid ka bang bata ka?" Napatingin ako sa lalaking may hawak ng baril ngayon. Hindi parin ako makapaniwala!
Tumayo ako at tinignan siya ng matalim. Napakasama niya! Hayop! Walang puso!
"WALA KANG KWENTANG AMA! KUNG SA AKIN NGA HINDI KANA NAGPAKAAMA, PATI BA NAMAN SA TOTOO MONG ANAK?!" Galit kong sigaw sa kanya. Wala na akong pake kung patuloy sa pag agos ang luha ko.
"Putragis kang bata ka! Wala kang karapatan para sabihin sakin yan! Kasalanan niya yan. Kumampi ba naman sayo?! Tsk. Ako ang ama pero ikaw ang kinampihan?" Sabi niya sa akin at ikinasa muli ang baril.
Kahit nanginginig ang katawan ko, pinilit kong maging matapang. Kung papatayin niya ako edi patayin. Ano pa bang silbi ko dito? Puro hirap ang dinanas ko sa loob ng maraming taon.
"Patayin mo na ako."
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero maya maya ay napangisi siya sa akin at napailing.
"Mukhang nababaliw kana ha? Baka magsisi ka kapag ipinutok ko sayo 'to." Itinutok niya ang baril sakin.
Napapikit ako ng mariin. Hahayaan ko nalang ba siya na patayin ako? Mawawala na ba ang paghihirap ko kapag pinatay niya ako?
"Ano na, Crystal? Naiinip na ako. Oo o hindi lang ang isasagot mo."
Dumilat ako. Patawarin mo ko Spade, patawarin din sana ako ng totoong ama ko. Buo na ang desisyon ko. Tatanggapin ko nalang na ito ang kapalaran ko.
"Patayin mo na ako."
Tumawa siya na parang baliw. Wala na siya sa katinuan.
Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang may isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"Subukan mo siyang barilin, ikaw ang papatayin ko."
"S-spade?" Naluluha kong sambit sa pangalan niya.
Dumating siya! Nandito siya para iligtas ako. Hindi niya ako pinabayaan!
"At sino ka namang gago ka? Hoy toto kung ayaw mong mapahamak, huwag kang makikialam dito ha!"
Natakot ako dahil sa kanya itinutok ni Richard ang baril. Baka mapahamak si Spade.
Nagulat ako ng biglang inagaw ni Spade ang baril pero mukhang naging alerto si Richard kaya hindi niya agad nabitawan ang baril.
"ITIGIL MO YAN!" Sigaw ko. Patuloy ako sa pag iyak.
Nag-isip ako ng paraan. Nakakita ako ng malaking bato. Agad ko itong pinulot at dahan-dahang lumapit sa likuran ni Richard. Nangangamba man, itutuloy ko parin dahil kung hindi, si Spade ang mapapahamak.
![](https://img.wattpad.com/cover/152916470-288-k442041.jpg)
BINABASA MO ANG
ALONE (Completed)
General FictionA story that full of lies and pain. ** ( This story is not suitable for readers who is 14 years old and below ) [ short story ] date written: 06-25-18 date finish: 11-21-18 HIGHEST RANK #4 in alone