4 of Spades

22 0 0
                                    

ABCDE'S POV

Nakauwi na kame dito sa bahay namen. Oo, magkasama kame sa iisang bahay dahil hati naman kame sa pagbabayad nito. Sampung libo sa isang buwan. Mga magulang na kase ni uny ang kumupkop sa akin mula nang malaman nila ang tunay na storya ng buhay ko. Sila din ang nagbigay ng paunang bayad namen dito sa bahay na'to.

Umakyat na 'ko sa kwarto ko upang magpahinga. Sinilip ko muna ang cellphone ko kung may message at naglat ako ng makita kong may 40+ unread messages ito at 10 missed calls. Kanino kaya galing to? tanong ko na lang sa isip-isip ko. Inihagis ko sa kama ang phone ko saka ako nagbihis. Humiga ako sa kama tsaka ko binuksan ang phone ko.

"Hi!"
"Kamusta ka na?"
"Nakauwi ka na ba?"
at marami pang iba na sa tingin ko paulit-ulit lang naman. Baka nawrong send lang 'to. Parehong number lang kase 'to sa tumawag eh

To 0922tutunog-tunog~~
"Baka na-wrong send ka lang."

~BRIZSK BRIZSK!~

From 0922tutunog-tunog~~
"Hindi. Sigurado akong ikaw si Abcde."

Kinilabutan ako pagkabasa ko ng text. Sino 'to? Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Bes?!"
"Hoy!"
"Abcde ano ba!"
"A-anak ng--- ano ba 'yon?" napatalon pa ko sa gulat ko sa kanya. "May project na kayo?" tanong niya, nagtaka naman ako agad. "Anong project? First day of class pa lang uny ano ba!" Sira na yata ulo neto eh. "Aha! Sabi ko na nga ba eh, dapat hindi ko binigay!" pagkausap niya sa sarili niya "Anong binigay?" takang tanong ko sakanya. "A-aah ano kase... may nagtext ba sa'yo?" kakamot-kamot sa ulong tanong niya. "Oo, marami. I mean, isang number lang pero andaming text, tumawag pa nga eh!" usal ko "Kanina kase.."

Panigurado may hindi nanaman magandang ginawa 'tong babaitang 'to eh. Patay ka talaga saken babae ka.

FLASHBACK (UNY'S POV)
"Pst! Kuya!" ang sungit naman ne'to! hmpk "Uy kuya?!"
"Ano ba yon?! tsk!"
"Ang sungit mo naman! Kanina pa ba kayo naguwian? Taga-dito ka ba sa room ni abcde?" ang sungit! Kung wala lang akong kailangan sa kanya eh
"Kilala mo si abcde? May number ka ba niya? Pwede ko bang hingiin?"
"Eh?!" gulat kong tanong sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo dyan--"
"Sige na please? Importante lang, sige na." huwaw! Hawak niya ang magkabilang balikat ko. "A-ano ba! Sandali nga! Sino ka ba?! Bakit mo kilala ang kaibigan ko?" Sakit nun ah! Maliit na nga ako, inalog-alog pa! Itinulak ko siya sa pader saka ko iniharang ang medyo talaga ba? kalakihan kong braso sa leeg niya. Dahilan upang hindi siya makahinga at makapagsalita ng maayos. "Ka-kagrupo n-niya ko sa p-project namen. N-nakalimutan ko k-kase siyang l-lapitan kanina." ayun naman pala uny eh! Kahit kelan talaga judgemental ka! pero.. "Sigurado ka?! Sumagot ka!!" Mas idiniin ko paang braso ko sa leeg niya. "Ugh!" angal niya. "Sagot o sasakalin kita!" "Sa-sandale.." Napansin ko namang nahihirapan na talaga siyang huminga kaya inayos ko na ang sarili ko. "Uhm, ano nga?!" sigaw ko sa kanya! Ang bagal bagal! "Aah!" Napailag pa siya sa gulat "Dalian mo nga!" Bagal. "Kagrupo niya nga ako. May project kame." "Ganun ba? Oh pengeng papel isusulat ko na lang ang number niya." kumuha naman siya at isinulat ko naman ang number ni abcde "S-salamat." Napakamahiyain naman neto para mautal pa siya ng ganyan "Sige na sige na! Aalis na ko, mukhang wala naman na dyan si Abcde. Babush!"

END OF FLASHBACK~

Sabi na eh! tsk!












Comment something or anything na napapansin niyo sa story. hehi salamats💚

Lucky--- A Unique Salonga StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon