ABCDE'S POV
"So guys, ito si Abcde, friend ko siya --- actually a very close friend. We live under the same roof. Wag niyo siyang awayin ha! Hahahaha" tumawa pa si gaga, akala mo hindi niya alam na malaki ang atraso ko sa isa dito. "She's beautiful." Sabi nung lalaking maputi pero kulot. "Kaso lutang din ata siya kagaya ni ter! Hehe" Singit naman nung Badj. Badj pala! Hindi bayi! Wtf Abcde! "Kumain na tayo! Andami kong niluto kase, kailangan magbaon kayo! Wag niyong bolahin 'yan, baka makalimutan ako! Hahaha"gaga ka. "Pero maganda talaga siya. Ano nga ulit pangalan niya?" tanong 'nung ter ata. Weird nang mga pangalan nila! "Ano daw pangalan mo teh! Salita naman dyan!" lagot ka saken babae ka. Pinapahiya mo ang introvert side ko! "Ah, Abcde. Abcde Fuentes." pagsagot ko. Siniko ko naman si Uny tapoa ngitian ko yung mga lalaki. "Wow! Ang sweet mo naman! Nagluto ka talaga ng marami ah!" Iniba ni Unique ang topic. "Syempre! Para dagdagan niyoang sahod ko! HAHAHAHAHA" mukhang pera talaga 'to si gaga. If they only know, milyonara ang isang 'yan.
Natapos na kameng kumain at naghahanda na yung boys kase aalis daw sila. Dunno where hahahaha not interested, I look around kase feeling ko may nakatitig saken and I saw Unique. Staring at me, plainly. "Bakit?" I unconsciously asked. Napaiwas ako ng tingin kase kumunot ang noo niya. SPELL AWKWARD. "Pa'no mo nalaman?" tanong niya, nakakunot pa din ang noo. Nakaka-wrinkles 'yon di'ba? "Ang alin?" Tanong ko ulit? "Na nakatitig ako sa'yo." nagulat naman ako ng konti sa sagot niya. "Super powers ko 'yon eh." seyoso kong sabi kaya napamaang siya. Ang cute. What did I say? "Joke! Hahahaha Malakas lang ang pakiramdamam ko, sanay kase akong mag-isa kaya uncomfortable sa'ken kapag may nakatingin. Kaya napapalingon-lingon ako, hinahanap ko yung nakatingin if ever meron man at tama ang pakiramdam ko." I explain. "Amazing. Hindi ako nagkamali." huh? "Saan?" i asked tapos umupo sa patungan ng kamay sa gilid ng sofa. Nakasandal siya dun sa kabilang patungan ng kamay kaya nasa gilid ko siya at diretso naman ang tingin niya saken. Na-imagine mo? "Wala." he said tapos ngumiti. Ngiti lang 'yon pero ba't parang nasusuka na ko sa dami ng gumagalaw-galaw sa tiyan ko? wth. "Uhmm sorry." Napadilat siya kaya ako naman ang pumikit. "Dumilat ka nga. Ginagaya mo yata ako eh" tatawa-tawa niyang sabi pero hindi ako dumilat. "Umupo ka din ng maayos, hindi ako nangangagat. Sa pagkakalam ko, ikaw lang nananakit dito haha" Napadilat naman ako. "Uhm!" Inginuso niya ang parte ng sofa na nasa harap niya. Ginaya ko naman ang upo niya. Magkaharapan na kame ngayon. Wrong move ka ata Abcde. "Para saan yung sorry mo?" tanong niya. "Ah, don sa ano-- alam mo na yun diba?" nakakahiya ka Abcde yuck! "Saan?" maang-maangan niya tapos ngumiti. "Bahala ka nga dyan!" Tumayo ako at naglakad palapit sa pinto pero---
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Saglit lang." Hinila niya ang kamay ko at iniharap ako sa kanya. Napahawak naman ako sa balikat niya kaya hinawakan niya ang bewang ko. LAWAY NASAN NA KAYOOOO!! LULUNOK AKO OH! Lunok lang ako ng lunok kahit mukhang tuyo na ang bibig ko.Parang yung kaninang tahimik na lugar may tumahimik pa. Wala na 'kong ibang makita kundi siya. Gusto kong kumurap pero ayaw ng mata ko. Hindi ako makagalaw. Nanghihina din ang mga tuhod ko para lumakad pa. What are we doing?! Abcde move!
WHAT THE HECKKK!!!