ABCDE'S POV
Naiinis ako kay Uny dahil iniwan niya ko dito sa likod mag-isa. Umuna na 'kong umupo dito para malaman niyang dito kame uupo pero ang gaga sa harap umupo sa tabi ni Gelo. Ang harot! Inuna niya pa talaga 'yun ah!
"Bakit nakasimangot ka naman dyan?" ang hilig lang talaga niyang sumulpot bigla-bigla habang nagda-daydream ako eh no? "Ano ka ba! Wala 'to." usal ko pagkatapos ay tumingin sa labas. Aaaaaaahh night life. "Pwede ba 'kong tumabi sa'yo? May itatanong kase ako." kinabahan naman ako sa itatanong niya. "Ano naman 'yon?" kunwari masungit kong tanong. "Kaibigan mo ba 'ko?" Napatingin ako sa kanya. Nakalipat na agad siya sa tabi ko. "Syempre, bakit?" nakita ko naman kung pa'nong nanlumo ang mga mata niya. Bagay na hindi ko pa din maintindihan. "Hanggang dun na lang ba 'yon?" tanong nanaman niya ulit. Hindi ako sumagot ayoko kaseng magbitiw basta ng salita. Ayokong masaktan ko siya. Baka hindi ko magawa 'yung gusto niya kaya nanatili na lang ako'ng nakatingin sa kalsada
"Silence means yes ba yan?" natatawa niyang tanong. "Andito na tayo!" sigaw ni Blaster. Salamat, Blaster. Nakahinga ako ng maluwag. "Uh, andito na daw tayo. Halika na?" pag-iiba ko ng usapan. Tumango na lang siya at ngumiti ng tipid. Nauna siyang lumabas sa'ken at ganun na din sa pagpasok sa resto. Umupo siya sa harap ni Gelo at katabi ni Badjao kaya umupo na lang ako sa tabi ni Uny na busy sa kakadaldal kay Gelo, katabi ko si Blaster.
"Huy pansinin mo naman ako! Busy'ng busy ka naman masyado niyan kay Gelo." bulong ko sa kanya kaya hinarap na 'ko. Mukhang masama pa ang loob ng gaga. "Bakit? May prob--- oh teka!" tinakpam ko agad ang bibig niya dahil nakasigaw na agad siya. Mali yata'ng kinausap ko pa siya. Napatingin tuloy samen si Zild na tahimik din sa tabi ni Badjao. Katabi ko kasi si Blaster na nakasimangot na dahil gutom na daw siya.
Gelo| Uny | Ako | Blaster
~ ~ T A B L E ~ ~
Unique | Badjao | Zild | /Vacant/"Wag ka ngang maingay!" bulong ko sa kanya. Pinandilatan naman niya 'ko. "Bakit kase hindi kayo magkatabi ni Unique? Akala ko ba prinsesa ka niya?" nang-aasar na tugon niya. "Basta. Atsaka hindi niya 'ko prinsesa." tinitigan niya pa 'ko nang ilang segundo pagkatapos ay dumaldal na siya kay Gelo. Ilang minuto lang din ay dumating na ang order kaya kumain na kame.
"Dito na lang ako." sabi ko ng makita ko ang 7-eleven sa hindi kalayuan. "Bakit ka bababa?" sabay-sabay na tanong nila maliban kay Unique na nakayuko lamang. "May dadaanan pa kase ako." pagdadahilan ko. Hindi kase ako kumain ng marami dahil si Unique ang nagbayad ng order ko. Nakakahiya! Baka sabihin niya takaw ko. "Ihinto mo na dyan sa tabi, bababa na ako." sambit ko dahil malapit na kame sa 7-eleven. "Bakit ka ba bababa? Malapit na tayo sa bahay niyo oh." nagulat naman ako ng magsalita si Unique dahil kanina pa siya walang imik. "Basta." bumaba na 'ko agad pagkatapos non. Tinext ko na lang si Uny na ipagpaalam na lang ako kila Badjao.
Alas kwatro na pala ng madaling araw?! gulat na sabi ko sa isip ko. Masyado yata akong naaliw sa kakakain ko. Mahigit isang oras na din ang nakalipas.
Inayos ko na ang sarili ko pagkatapos ay umalis na para umuwi. Grabe wala akong tulog! Buti na lang sabado ngayon. Lumabas na 'ko at sumakay ng taxi para makauwi na. Busog na busog nanaman ako ah.
Ilang minuto lang ay natatanaw ko na ang bahay namen ni Uny. Kinabahan naman ako ng may makita akong lalaking nakatayo sa may gate ng bahay namen. Putek magnanakaw yata to ah. "Manong ayan na po ang bahay namen pero tumigil na po muna tayo dito. Mukha po kaseng mananakaw yun eh." turo ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng bahay namen. "Osige hija, baka mapahamak ka pa."
WaaaaAaAAAAaaah!!! putel si Uny nasa loob! Wag naman sana siya mapahamak