16 of Spades

8 1 0
                                    

ABCDE'S POV
Nagising ko sa sikat ng araw. Putek iniwan ko pa lang bukas yung bintana. Kumuha akong tubig at ininom yon saka naligo.

Isasarado ko na sana yung pinto para magbihis pero nakita kong may nakahiga sa kama ko. Dali-dali akong pumasok sa banyo dahil baka makita pa ko ni Unique ng naka-tuwalya lang.
Tulog pa din siya paglabas ko kaya tinignan ko ang oras. 3:30pm, pakshet hapon na pala. Lumabas na 'ko ng kwarto at sinilip ang kwarto ni Uny, mukhang nasa baba na ang babaita.

"Good morning! Rise and shine!" bati ko sa kanilang lahat na nasa baba kaya naman napatingin sila sa'ken. "Hija gising ka na pala. Anong oras ka na ba umuwi kagabi? Maaari ko din ba'ng itanong kung sino ang lalaking nasa kama mo?" yes yayey? Dami agad tanong? Ala bang good morning dyan?  Napairap na lang ako sa kawalan. "Ano ba yan manang, hindi mo ba ko kakamustahin?" tanong ko sa kanya at sumimangot kunwari "Bakit ko pa itatanong kung naikwento na ni Uny?" napalingon naman ako kay Uny na tinaasan lang ako ng kilay. Siraulo talaga. "Dapat sinabi mo na lahat! Nahiya pa 'to eh." sabi ko sa kanya. "Ikaw na magpakilala sa boyfriend mo. Hindi ko na parte yon" "Anong boyfriend? Nababaliw ka ba?" "Hindi daw, sabi mo eh bahala ka." "Sige na sige na kumain na muna bago pa kayo magkapikunan diyan." Pigil ni yayey sa'men bago pa ko magsalita ulit.

Pagkatapos kumain ay umakyat ako sa taas para gisingin si Unique. "Hoy tulok gising na." inalog-alog ko pa siya. "Gumising ka na para makauwi ka huy!" Ang hirap naman gisingin neto. Umupo na lang ako sa gilid ng kama at tinawagan si Badjao gamit ang messenger tutal wala naman akong number niya.

"Hello? Nagising ba kita?"
"Aah hindi, buti nga tumawag ka, tatanungin na sana namen si Uny kung nasainyo pa si Unique dahil hindi pa siya umuuwi."
"Nandito nga siya. Mukhang pagod nga dahil ang hirap niyang gisingin."
"Susunduin na lang namen siya. Nakakaistorbo yata siya. Pasensya ka na ah, ang kulit kasi nya---"
"Nako okay lang! Wala 'yun no. Ako nga dapat mag-sorry sainyo eh." naalala ko nanaman yung mga sugat niya, leche.
"Okay, pero susunduin na namen siya ah?"
"Oo sige, ikaw na lang din ang gumising sa kanya pag dating niyo."
"Sige, bye."
"Bye, ingat!" then I ended the call.


















A/N : Ano kayang reaksyon nila kapag nakita nila mga sugat at galos ni Unique? hmmmmm

Lucky--- A Unique Salonga StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon