ABCDE'S POV
"Gusto kong ligawan ka." Sinabi niya 'yon ng diretso sa mga mata ko.
"Eh?!" gulat na sagot ko. Walang namutawing salita. Parehas kameng natahimik. Nakikiramdam sa kung anong ioikilos ng isa't-isa.
"Unique, aakyat na kayo. Tama na pagsolo mo dyan sa kaibigan ko!" sa wakas, binasag ni Uny ang katahimikan.
"Oh, kumilos ka na, aakyat na kayo. Halika na Abcde."
"Ha? Ah sige. Halika na." nagmamadali ako'ng lumabas ng tent at hinila na si Uny palayo roon.
"Umuwi na lang kaya tayo?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Bakit? May nangyare ba sainyo ni Uni---"
"Hoy! Wag kang mag-isip ng ganyan walang nangyare samen ang bata ko pa 'no!" pagputol ko sa sinasabi niya. Yung tuhod ko hayop, bakit ba hinang hina ka?
"Hahahaha! Ang bobo mo! Ang sinasabi ko may nangyari bang hindi maganda ha? Bakit gusto mong umalis agad?" tanong niya, ang bobo ko nga bakit ko ba naisip yon?
"Oo nga naman, diba sabi mo papanoorin mo kame?" "Eh?!" gulat na sabi ko ng marinig ko ang boses niya.
"Ah ano, sige manonood na kame. Bakit nandito ka? Diba kayo na daw?Punta ka na don oh, nandon na sila hehe" Mabuti naman at sumunod din siya. Nakahinga ako ng maluwag.
"May hindi ka sinasabe sa'ken ah. Mukhang andami nang nangyare sayo ngayong araw ah." sambit ni Uny sa nanunuksong tinig. Hindi ko na lang siya pinansin at lumakad na kame papunta sa harap.
Mundo'y magiging ikaw
Mundo'y magiging ikaw
Mundo'y magiging ikaw
Mundo'y magiging ikawNagwawala na sila Zild at Blaster pero hindi ko maintindihan kung bakit nakatayo lang si Unique habang nakatingin sa'ken. Nahihiya ako sa pinaggagagawa niya. Sinenyasan ko siyang tumugtog ng maayos dahil nakakahalata na 'yung crowd pero hindi pa niya ito ginawa. Baliw talaga.
Mundo'y magiging ikaw
Mundo'y magiging ikaw
Mundo'y magiging ikaw
Mundo'y magiging ikaw"Be nakatitig sa'yo si Unique ano na be!" si Uny, pati siya nahahalata na din.
"Hindi ko nga alam diyan eh! Sinabihan ko na siya pero ayaw niya makinig. Nakakahiya." sagot ko naman sa kanya.
"Gaga ka! Ikinakahiya mo 'yan? Siraulo ka ba? Hindi ka ba kinikilig ha?"
"Huh? Kaibigan ko kaya si Unique"
Aking sinta
Ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik mananatili na sa piling mo"Tanga mo friend, manhid pa." siniringan ko na lang siya dahil sa mga pinagsasabi niya. Mamaya niyan mag-isip dinsi Unique ng iba eh.
'Hala swerte mo gurl, tinitignan ka lang ni Unique kanina pa.'
'Oo nga, myghad sana ako na langggg'
'swerte ni ate gurllll!!'Lalo ako'ng nahiya dahil dunadami na pala ang nakakapansin.
"Aah, hehe baka sainyo siya nakatingin hindi saken." Sabi ko at bumalik na sa tent. Itetext ko na lang si Uny na bumalik ako sa tent dahil inaantok ako.
"Hello!" napalingon ako sa tumawag saken.
"Hi." usal ko, ang cute ng buhok niya kulay gold haha!
"Magpapa-fan sign ka ba sa spades?" tanong niya.
"Ha? Hindi, papasok sana ko sa loob para magpahinga." naguguluhang sagot ko.
"Ah para sa spades at sa mga kakilala lang nila 'yan eh."
"Oo nga, Ikaw?"
"Ha? Papasok din sana ako."
"Okay." sagot ko at pumasok na. Naupo ako sa upuan ni Unique at isinandal ang batok ko don at pumikit.
Antok na antok na talaga ako.
AN: WAAAAH SANA MAY MAGBASA PA SOBRANG SORRY KASE ANTAGAL KONG DI NAGUPDATE. T^T