5 of SPADES

17 0 0
                                    

"Ano ka ba naman! Hindi ka nag-iingat!" nakakainis! Siya pala ang nagbigay ng number ko sa ibang tao.
"Eh, s-sorry naman! Mukha kaseng totoo naman eh"
"Nagdahilan ka pa eh no?! Eh ano?! Totoo ba? Hindi di'ba? Kanino mo ba binigay?"
"Ha? Eh hindi ko natanong pangalan niya eh"
"A-ano?! Baliw ka talaga!"
"Pero natatandaan ko, may bangs saka pang harry potter na salamin."
"Hmmm" Sino naman kaya yon?
"Nakacivilian siya kaya sigurado akong transferee siya!"
"Ah! Kilala ko na! Tsk. Trip talaga ko nung bwisit na yun eh!"
"Kilala mo na? Sino?!"
"Unique Salonga"
"Ayy bessy ang gwapo ng pangalan unique na unique!" Tumawa pa ang gaga
"Patay ka saken. Ihanda mo na ang sarili mo sa mga bullies na sasalubong sayo."

Binubwisit mo ko ah, aasarin kita

~~KINABUKASAN~~

"Uy be tignan mo yung tranferre na pinag-uusapan naten kagabi oh! Binubully siya!" turo ni uny dun sa transferee na pinagtutulungan nga talaga ng mga estudyante. Halos lahat yata ng estudyanteng nakapalibot sa kanya binabato siya ng papel. "Pabayaan mo na 'yan!" sabi ko kay uny, mukhang awang awa pa siya eh. 'Karma mo yan.' sabi ko na lang sa isip ko.

'Yan ang dapat sa'yo!'
'Feelingero!'
'Hindi kayo bagay ni Ms Abcde!'
'Gold digger!'

"Uy be naririnig mo ba yung sinasabe nila?"
"O-oo naman no! Anong tingin mo saken binge?"
"Paano ka naman nasama don?"
"Ano bang sinasabi mo?!" nakakainis 'to ang daming tanong kahit kailan.
"Sabi nila hindi daw kayo bagay nung transferee!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya
"Oh? Totoo naman ah?"
"Ano ngang kinalaman mo sa kanya?" Tsk!
"Tsk! Wala yon!" Siniringan ko siya at naglakad na paakyat sa building
"May ginawa ka 'no?" Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lang ako sa pag-akyat sa building.
"Pabaya---" Nasan nanaman nagsuot yung babaeng yon?! Tsk! Bahala na nga malalate na ko eh.

DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
LUNCH.

Kapag minamalas ka nga naman oh. Hindi mo nga siya nakatabi kanina, makikita mo naman sa canteen ngayon. Pero dibale na, dedma na lang Abcde. Nasan na ba kase si Uny eh!

"Masarap ba yan?" Tanong ko sa kanya. Hindi sana kita papansinin pero parang may tumutulak saken para asarin ka. Naiinis ako kapag hindi mo man lang ako matignan. Pinagkunutan naman niya ko ng noo kaya inginuso ko ang spag na nasa tray niya. "Nakita mo namang paupo pa lang ako diba?" Aba pilosopo ka ah! Hinahamon mo talaga ang evil side ko eh! "Aah so hindi mo pa natitikman?" tanong ko ulit. "Kailangan ko pa ba'ng sagutin talaga 'yan? Wala ka ba'ng common sense?" Ang tapang mo ah. Tignan naten 'yang tapang mo ngayon. "Edi sige, ipapatikim ko sa'yo." Malakas ko'ng hinampas mula sa ilalim ang tray niya dahilan upang sumabog sa mukha niya ang malapot at mainit-init pa'ng spaghetti. "Oh? Masarap ba?" Yun lang at iniwan ko na siya'ng nakatunganga at puno ng spaghetti ang buong katawan. Serves you right. I smirked.

Narinig ko pa'ng pinagtatawanan at pinagbubulungan siya nung ibang estudyante pero hindi na 'ko lumingon pa. Lumabas ako ng school para dun na lang sa cafeteria maglunch.

Dahil sayo tinapay lang ang lunch ko! Bwiset!

Lumipas ang oras at umakyat na 'ko sa room para sa next subject. Isa na lang uwian na.




Sana hindi na kita makita pa.

Lucky--- A Unique Salonga StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon