ABCDE'S POV
"Uny!"
"Uny ano ba! saglit nga lang!" hinawakan ko ang braso niya upang matigil siya sa paglalakad. emotera.
"Dalian mo, marami pa 'kong gagawin" Ano nanamang nakain neto at nagsusungit?
"Hoy! Nasa iisang school at bahay lang tayo no! Wala pang masyadong ginagawa kaya imposibleng busy ka na agad."
"Iisipin ko pa kase kung ilang demonyo ang sumanib sa'yo at nagkakaganyan ka! Nababaliw ka na ba talaga?! Bakit mo pinabully at binully yung lalaking transferee?" Pa'no niya nalaman? Bakit nga ba ako nagkakaganto? "Pa-paano mo nalaman?" takang tanong ko sa kanya. Imposibleng malaman niya yon. "Paano? Hindi ba't pinahiya mo yung lalake sa canteen? Malamang maraming nakakita kaya nakarating saken! At yung mga messages mo dun sa mga nambully na hinaharass ka nung lalaki at stalker mo siya kaya nagalit sila at binully ang transferee na yon!" "How did you know?" "I asked them. If they lie to me, expelled." Maawtoridad niyang sabi. Okay ang bait nanaman niya. "Tss, hayaan mo lang akong makaganti sa lalaking 'yon." pagdadahilan ko. "Ganti? Bakit ka ba gumaganti sa kanya? May ginawa ba siya sayong masama?!" i tsked, nag-iwas ako ng tingin dahil alam kong MEDYO may mali ako. "Siya yung nagtetext saken." usal ko. "Oh? Ano ngayon? Yun na yon?" paninigurado niya. "O-oo, yun na yon." sagot ko, tumungo ako dahil alam kong galit na siya talaga. "Anong harassment don?! Baliw ka na talaga! San mo naman nakuha ang ugaling ganyan ha?! Ganyan ba ako?! Ganyan ba ang epekto ko sayo?! Kung ganyan pala ang epekto ko sayo, babalik na lang ako kila mommy." Sinabe niya yon at iniwan akong nakatayo.Fourth year high school pa lang ako nung makilala ko si Uny. Nagtatrabaho na ko non sa fast food chain. Pinakiusapan ko lang yung may-ari nun para tanggapin ako. Medyo mahirap, pero worth it naman.
Isa si Uny pati na ang mama at papa niya sa mga mapagsilbihan ko nang araw na 'yon. Maswerte lang ako dahil kaklase ko din pala si Uny sa klase ko, kinahapunan din ng araw na 'yon. Pagod at gutom man ako at pumasok pa din ako. Ayun na lang kase ang natitirang pag-asa ko para makaahon sa lintek na kahirapan. Naging magkaibigan kame ni Uny, matalik na magkaibigan. Kapag break at lunch binibigyan niya ko ng pagkain. Ayoko sana pero sino ba naman ako para tumanggi diba? Scholar ako ni mayor kaya ako nakapasok dito.
Simula non, tinuring ko nang tunay na kaibigan si Uny dahil natanggap niya ko kahit ako mismo hindi kilala ang sarili ko.
Malaki ang pasasalamat ko aa kanya lalo na sa mga magulang niya na siyang naging dahilan para makuha ko lahat ng gusto ko at makapag-enroll sa napakagandang paaralan na 'to.
Namalayan ko na lang ang sarili kong nasa tapat na ng bahay namin. Kung paano nagawa yun ng katawan ko ay hindi ko alam.
A/N : SORRY ANG BAGAL NG KWENTO, KUNG ANO LANG KASE MAISIP KO YUN ANG SINUSULAT KO. hehi