7 OF SPADES

12 0 0
                                    

UNIQUE'S POV

5:15pm

"Oh anong nangyare sa'yo koi?" Bungad ni Blaster sa'ken ng makita niya kong basang-basa. Yung babaeng 'yon. "HAHAHAHAHAHAHA is that what you get from the girl that you want to be with?" pang-aasar pa ni Zild. "Hoy Zildjian! Umayos ka ha!" Pang-aasar ko din sa kanya dahil badtrip na din ako.  "Magpalit ka na ng damit at maglinis ng katawan. Baka magkasakit ka." Payo naman ni badj na seryosong-seryoso ang mukha. Hindi ko na lang sila sinagot at dumiretso na sa kwarto at naligo at nagbihis.

"Gusto niyo bang uminom?" aya ko sa kanila out of nowhere. "Oh, hindi ako umiinom ah." Pagtanggi agad ni Blaster "Eh 'di 'wag ako na lang." tatayo na sana ako para kumuha ng beer pero... "May gig tayo ng maaga bukas. 11am yon, wag kang magpakalasing." Si badj, siya talaga ang tatay sa grupo. Ang nag-iisang taga-payo. "Konti lang. Magpapantok lang ako." sagot ko at iniwan na silang tatlo sa sala. "Nasan nga pala si Gelo?" Pasigaw kong tanong. "Wala, umuwi muna sa kanila. Bukas daw ang balik." si Blaster "Okay." Si Gelo na lang sana ang pag-asa kong makasama ngayon at makabonding sa pag-inom, kaso wala.

Ilang oras na din ang nakalipas at .... "Lasing ka na." Si badj "Sabi mo magpapaantok ka lang?" usal niyang muli. "Hindi pa 'ko inaantok pero nahihilo na ko." sagot ko. "Bakit?" napatingin ako sa kanya. "Lumipat ka na lang kaya ng school?" Napakunot naman ang noo ko sa huling sinabi niya. "Nakalimutan mo na ba ang dahilan kung bakit ako nag-aral na muli?" Tanong ko sa kanya, baka sakaling maliwanagan siya. "Hindi ko gusto ang babaeng 'yan." saad niya. "Badj.. Hindi mo pa naman siya nakikita diba?" Doon pa lang ay alam na niyang hindi ako makapapayag sa gusto niya kaya napabuntong hininga na lamang siya. "Basta, kapag kailangan mo ng makakausap nandito lang kame. Lalo na ako ha?" hayyy "Alam ko. Maraming salamat." Napakabait niya talaga. "Matulog ka na nikkoi, bawal magpuyat may gigS pa tayo bukas." at talagang pinagkadiinan niya ang 's' sa gigs kaya naman sumunod na ako. "Sige, pakigising na lang ako bukas kung tanghaliin man." paalam ko sa kanya. "O siya sige! Night Nikkoi!" tumango lang ako at pumasok na sa kwarto at inihiga ang katawan ko'ng pagod na pagod.


Sana mapanaginipan kita...






A/N : AAAAAAAHHHHH 22 READS NA PALA! HAHAHAHA ANG BABAW KO BA? AKALA KO KASE WALANG MAGBABASA HEHE COMMENT NAMAN KAYO! LABSUALL!

Lucky--- A Unique Salonga StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon