3 of Spades

18 0 0
                                    

ABCDE'S POV

"That's it?" wala sa sariling sabi ko. Napalingon ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin

"Wala ka na bang ibang sasabihin? Mukhang interesado si Ms abcde sa'yo" nanunuksong sabi ni Miss kaya lalo akong napayuko. Tsk kainis

"yieeeee!" panunukso ng mga kaklase ko. Tumingin ako sa transferee na 'to at nakita kong nakangiti siya. Tsk! pangiti-ngiti ka pa! Gusto din siguro neto eh!

"A-anong---" aishhh!
"Anong interesado? Sa lahat ng nagpakilala siya lang ang ganyan! Yung iba nga may motto pa eh, may edad may birthday tas may grettings pa! Tapos siya pangalan lang?!" Lagot ka talaga saken mamaya! Sinira mo ang umaga ko!

"Calm down Ms Abcde hahahaha" Aba't! Ipatanggal ko kaya 'to sa paaralang 'to! "Iba-iba tayo ng paraan ng pagpapakilala at ayun ang kanya. Tanungin mo na lamang siya kung may gusto ka pang malaman. Magkaklase na tayo." Nagtawanan naman ang mga kaklase ko habang ang iba ay nanunukso ang tingin. Paniguradong pulang pula nanaman ang mukha ko nito. Hindi sa kilig kundi dahil kumukulo na ang dugo sa lalaking ito!

DISCUSS.
DISCUSS.
DISCUSS.
DISMISSAL.

~TENENENEW TENENEW TENENEW TENEW~

"Hello?"
"Hoy babaita ka nasan ka na!! Kanina pa ko text ng text umaga di ka nagrereply!" anlakas talaga ng bunganga ng babaeng 'to.
"Nagbabasa kase ako ng libro! Hindi ko namalayan ang mga text mo!"
"Eh nasan ka nga?!"
"Wag ka ngang sumigaw! Nandito na ko sa parking lot. Dalian mo!"
"Osige, papunta na ko dyan! hahaha miss you bessy!"
"Bye bes!" she ended the call.

Ilang minuto lang at dumating na din si Uny kaya sumakay na kame sa kanya-kanyang kotse, magkikita na lang kame sa Loco's para mamasyal at magbonding syempre! Yun lang kase ang pinakamalapit na mall dito sa school eh.

"San kaya ng bulsa mo gumastos?" tanong niya nang makarating kame sa mall. "Ano ba naman 'yang tanong mo?!" kahit kelan talaga 'to. "Syempre, tinatanong kita kung saan tayo kakain na kaya ng bulsa mo diba?" paliwanag niya at tumawa pa.

"Dun na lang tay---arrghhh!" napayuko ako sa sakit na naramdaman ko nang makita ko yung resto na kakainan sana namen ni uny. "Uy be! Okay ka lang? Anong nangyare sa'yo?" Nag-aalalang tanong niya saken. Pumasok na kame ng resto at umorder, inaantay na lang namen na iserve ito sa amin.
"Okay lang ako! Pero hindi ko alam kung bakit sumakit ulo ko nung makita ko yung resto na 'to eh" kwento ko sa kanya "Anong nakita mo? Baka tungkol na 'yan sa nakaraan mo. Kelan pa huling sumakit 'yang ulo mo?" tanong niya nanaman, na-alala ko naman yung kanina sa classroom. "Kanina nung nakita ko yung transferee na kaklase namen, sumakit din ulo ko. Tapos may naririnig akong boses, hindi ko maintindihan!" Napaface-palm na lang ako sa nangyayari saken. "Kumain ka na muna, wag ka na muna mag-isip. Sabi kasi sa'yo magpa-check up tayo eh! Mamaya malala 'yang sakit mo sige ka!" pananakot niya, tss as if uubra yan saken. "OA mo po!" siniringan ko na lang siya kahit tatawa-tawa siya.

Bakit ko ba naging kaibigan to Lord!

Lucky--- A Unique Salonga StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon