15 of Spades

11 0 0
                                    

ABCDE'S POV

Bumaba na ko ng taxi at nandito ako sa likod ng kotse ng kapitbahay namin para hindi ako makita ng magnanakaw na 'to. Bwiset ala-sinko na! Tinityempuhan ko lang na tumalikod siya para mahampas ko siya ng sanga na hawak ko, nang makahanap ng tyempo ay agad akong tumakbo at

"HOY MAGNANAKAW KA! UMALIS KA DITO!" pinagpapalo ko siya ng sanga na hawak ko na may kaduktong pa na mga maliliit na sanga. Ugh!
"Aray! aray! Ano ba! Hindi ako magnanakaw! tumigil ka nga!" pagrereklamo niya pero hindi ako tumigil. "BWISET KA! DITO KA PA MAGNANAKAW HA?!! TULONG! TULONGGGG!!!!" sumigaw na ko dahil napapagod na ko at baka kapag tumigil ako ay barilin na lang ako nito bigla. "Ano ba! Tumigil ka nga!" awtomatiko naman akong napatigil sa ginagawa ko ng mabosesan ko ang taong hinahampas ko. Watdapak! Don't tell me...

"Unique?!"
"Abcde?!"

sabay na tawag namen sa isa't-isa. putek anong ginawa ko? sana kainin ako ng lupa please

"Bakit ngayon ka lang?" seryosong tanong niya
"Bakit nandito ka?" tanong ko din sa kanya.
"Akala ko ba may dadaanan ka lang SAGLIT?" pinagdiinan niya pa ang saglit. Aba! Akala ko din saglit lang akong kakain eh.
"Akala ko din ba umuwi na kayo?" binalik ko nanaman ang tanong sa kanya.
"Bakit ba sinasagot mo ko ng tanong?!" iritadong tanong niya habang hinihimas pa din ang braso niyang hinampas-hampas ko. Nagkasugat kaya siya?
"Bakit ka ba kasi nagtatanong?" pang-aasar ko sa kanya. Kumunot naman agad ang noo niya. "Sumagot ka nga ng maayos. Sinugatan mo na nga ako oh!" Itinaas niya pa ang sleeves ng turtle neck niya para labg ipakita ang sugat niya. "Edi gagamutin ko. Tabi!" Tinabig ko siya dahil nakaharang siya sa gate. Binuksan ko 'yon at pinapasok siya sa sala.

Pinaupo ko na siya saka ko kinuha yung first aid kit sa ilalim ng maliit na mesa sa harap namen. Bawat sulok ng bahay ay may first aid kit at sa bawat kit ay may printed emergency numbers, ganun mag-alala ang mga magulang ni Uny. "Ano ba kaseng ginagawa mo sa labas ng bahay?" tanong ko sa kanya. Lumunok naman muna siya bago sumagot. "I-inaantay kasi kita. Aray ko naman!" angal niya ng diniinan ako ang pagdampi ng bulak sa noo niya. "Ayan! Napaka-epal mo kase! Sana man lang nagsabi ka kay Uny para papasukin ka niya sa loob! Bakit mo ba ako inantay?! Nako! Kung hindi ako dumating hindi ka aalis?! Alam mo bang isang oras akong nakatingin sayo dahil inaabangan kitang umalis dahil buong akala ko ay magnanakaw ka?! Hmp!" inambaan ko siya ng suntok kaya napatakip nanaman siya ng mukha. "Oh! Hindi pa nga magaling yung sugat ko, dadagdagan mo pa. Andami damipa nga oh! Hindi ako mapapakali kapag nasa loob lang ako kaya sa labas ako nagantay, ganto pa pala aabutin ko." Tinignan ko naman yung mukha niya. Karamihan ay gasgas at latay. Napakabobo mo talaga Abcde! Nandamay ka pa! "Sorry naman. Ano, kase andilim kase tas nakabonet ka pa tas black na jacket, akala ko talaga magnanakaw ka." paghingi ko ng pasensya sa kanya. "Ang bobo m--- aray!!" idiniin ko yung bulak sa noo niya "Sinong bobo saten? Wala naman akong sinabing antayin mo 'ko pero nag-antay ka dito! Hindi ka pa nagtext. Sira pala ulo mo eh!" "Hindi mo na ko kailangan sabihan kase puso ko ang magsasbi non." banat niya saka ngumiti ng malaki. "Mukha kang tulok alam mo yon? Tigilan mo na 'yang mga pinagsasabi mo at matulog na tayo." pabiro kong sabi pero sa loob loob ko ay hinihiling ko'ng sana nga ay tumigil na siya. "Tatabi ako sa'yo." "Ano kamo?!" imbes na sumagot ay umakyat siya sa taas para hanapin ang kwarto ko. Alam kong kahit na maraming kwarto don ay malalaman niya agad kung alin ang akin don dahil yun lang naman ang may design. Pangalan ko pa. Sumunod na lamang ako sa kanya dahil antok na din naman ako. "Dito na lang ako sa sahig." sabi ko pagpasok dahil nakita ko siyang nakahiga at handa ng matulog. Nilatag ko na yung kutson ko na maliit saka kinuha yung isang unan sa kabinet at iyon ang pinalit sa unan na nasa tabi ni Unique. "Mukhang pagod ka ah." pagkausap ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot kaya humiga na ko sa sahig. "Goodnight!" pinatay ko na yung lamp sa gilid saka pumikit.

Lucky--- A Unique Salonga StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon