UNY'S POV
"Uh, ahm unique, gising ka ba?" grabe naman kung hindi niya nararamdaman ang ulan
"Unique! Unique gumising ka na ano ba!" Inalog-alog ko ang balikat niya. Nakapayong man ay basa na din siya dahil ang lakas ng ulan at hangin.
"Uniqueeeeeee!!!!!" punyeta naman oh, basa na din tuloy ako. Tinawag ko si manang para tulungan akong buhatin siya at ipasok sa malaki nameng guest room.
"Hello Zild? Blaster? Badjao?" tanong ko dahil hindi ko napangalanan ang number nila na nakasave dito.
"Si Blaster 'to. May nangyari nanaman ba kay Unique?" tanong niya.
"Puntahan niyo na lang siya rito at dahil gabi na mas better dito na kayo matulog since tulog na din siya. Pakidalhan siya ng damit. Salamat." pinatay ko na ang tawag pagkatapos non. Saka inayos ang higa ni Unique na pinalitan na ni manang ng pang-itaas.
"Ano ba kasing trip niyo ni Abcde ha?" pagkausap ko sa kanya kahit na alam kong hindi niya ako naririnig. Hinawi ko ang buhok niya dahil nagulo na.
"Ang init mo pakshet." grabe ang init niya para na syang kokombulsyunin.
"Uny!" tawag saken ni Blaster
"May dala ba kayong damit? Palitan niyo na siya may kukuhain lang ako." tumango naman ito saka sila pumasok kasama si Badjao na alalang-alala ang mukha. Dumiretso naman ako sa taas para silipin si Abcde, mukhang tulog siya ah, nakatalikod kasi siya sa pinto. Nakuha niya pa talagang matulog, paano na lang kung hinayaan ko dun si Unique? Isinara ko na ang pinto saka bumaba sa kusinapara kuhain yung coolfever sa ref. Nagpaluto na din ako kay manang ng hapunan.
Sakto namang pagbalik ko sa guest room ay nag-aantay na lang sila saken habang si Badj ay nagpupunas kay Unique.
"Kamusta siya?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kama ni Unique.
"42° na ang lagnat niya, baka kumbulsyunin siya kaya pinunasan ko muna." si Badj.
"Ano yan Uny? pahingi ako hehe" sabi ni Blaster kaya napatawa ako
"Hindi 'to pagkain. Ilalagay ko 'to sa noo ni Unique para bumaba ang lagnat niya." tumango naman siya bilang sagot, batid sa mukha niyang namangha siya hahaha sira talaga.
"Ugh!" ingit ni Unique ng maidikit ko ang coolfever sa noo niya, naramdaman siguro niya ang lamig.
"Nagluluha siya dahil sa init ng katawan niya. Kumain muna tayo, kapag uminit pa ulit siya mamaya ay ipapatawag ko na ang doktor." tuloy-tuloy na sabi ko dahil mukhang nag-aalinlangan pa sila sa lagay ni Unique.
"Thanks Uny." si Zild"Okay lang ano ba! Amo ko si Unique kaya natural lang 'yon! Parte to ng trabaho ko no! Baka akala niyo libre 'to!" biro ko sa kanila at buti naman ay tumawa sila. Masyado silang nag-aalala sa kalagayan ni Unique kaya nag-aalala rin ako para sa kanila.
A/N CONGRATS DAHIL IVOS ANG NAGOPENING AA CONCERT NG P!ATD YEYYY